PATAY ang isang opisyal ng barangay nang pagbabarilin sa lungsod ng Cotabato.
Ang biktima ay si Dick Abas, 54 anyos, kagawad ng Barangay Poblacion 5, Cotabato City.
Ayon kay Cotabato City Police Director, Colonel Rommel Javier, may binili ang biktima sa isang grocery sa Jose Lim Sr, Street sa lungsod nang lapitan ito ng isang salarin at pinagbabaril ng kalibre .45 na pistola.
Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo ng naghihintay na kasama.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa likod ng kanyang ulo.
Nagpapatuloy pa ang imbes-tigasyon ng pulisya sa krimen.
The post Brgy. kagawad patay sa pamamaril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Brgy. kagawad patay sa pamamaril
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 10, 2021
Rating:
Walang komento: