Facebook

Carseat, required na sa mga bata!

AYON sa Republic Act 11229 or the Child Safety in Motor Vehicles Act, required na ang car seat sa mga batang 10 taong gulang pababa o may taas na 4.92 feet pababa, simula bukas, Feb. 2, 2021. BAWAL na din umupo ang mga bata sa front seat ng mga sasakayan.

Ayon sa LTO, magkakaroon sila ng kampanya para malaman ng publiko ang bagong batas sa loob ng 2 hanggang 6 na buwan bago mag-issue ng ticket sa mga violators.

MULTA:

1ST OFFENSE – 1,000

2ND OFFENSE – 2,000

3RD OFFENSE – 5,000 + 1 YEAR LICENSE SUSPENSION

IRR NG CHILD SEAT LAW, DAPAT
PAG-ARALANG MABUTI

Samantala,gusto ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na muling pag-aralan ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act.

Ayon kay Biazon, na myembro rin ng House Committee on Transportation, dapat gamitin ng komite ang oversight function para i-review ang IRR ng Child Car Seat Law.

Sumulat na ito kay House Transportation Committee chair Edgar Mary Sarmiento at hiniling na samantalahin ang pagsilip sa IRR habang ipinagpaliban ang pagpapatupad sa batas

Naniniwala si Biazon na mayroong probisyon sa IRR na lagpas sa scope at authority ng batas kaya nagdulot ito ng kalituhan sa mamamayan lalo na sa mga magulang.

Isa sa tinukoy ni Biazon ang probisyon sa “Fitting Stations” kung saan ang ibig sabihin ay dapat epektibong maipatupad ang Section 8 ng batas o ang Certification Training Program.

Nilinaw din ng mambabatas na hindi iniuutos ng batas ang pagtatatag ng fitting stations.

Mahalaga aniyang ma-review ang IRR at tiyaking ito ay tumutugma sa nakasaad sa batas upang hindi na maulit ang kalituhan at abala sa maraming motorista.

Ang suhestyon ng kongresista ay kasunod na rin ng pagpapaliban muna sa implementasyon ng batas matapos umani ng batikos sa publiko ang paglalagay ng car o booster seat para sa mga batang edad 12 anyos pababa.

CHILD SAFETY IN MOTOR VEHICLES ACT,
PINASUSUSPINDE NI SEN.GRACE POE

Samantala ayon kay Senator Grace Poe:

“Maganda ang intensyon, ngunit hindi napapanahon. Dapat suspendihin muna ang implementasyon hangga’t walang maayos na guidelines sa pagpapatupad nito.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

The post Carseat, required na sa mga bata! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Carseat, required na sa mga bata! Carseat, required na sa mga bata! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.