UMAKYAT na sa 538,995 ang bilang ng kaso ng COVID-19 matapos makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 1,690 na bagong kaso ngayong Lunes, Pebrero 8.
Samantala ay mayroon namang naitalang 23 na gumaling at 52 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (27,992) ang aktibong kaso, 92.7% (499,772) na ang gumaling, at 2.08% (11,231) ang namatay. Samantala, 4 na duplicates ang inalis sa total case counts kung saan dalawa rito ang recovered cases.
Nasa 46 kaso naman ang nai-tag bilang recovered ang na reclassify bilang pumanaw matapos ang final na validation.
Mayroon namang limang laboratory na hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Data Repository System po CRDS nitong Pebrero 7. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid-19 update: 23 gumaling; 52 nasawi; 1,690 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: