Facebook

EJ Obiena muling nagbulsa ng gintong medalya

MULING nagbulsa ng gintong medalya si Olympic-bound pole vaulter EJ Obiena.
Nakamit nito ang medalya sa PSD Bank Indoor Meeting sa Dortmund, Germany matapos na matalon ang 5.65 meters.
Sa unang pagkakataon ay tabla sila ng German na kalaban na si Oleg Zernikel at tinapos ang deadlock ng matapos ang 5.68 na jump.
Dahil sa panalo ay ito na ang pangalawang gold medal na kaniyang nakamit sa nakaraang weekends.
Una kasi nakakuha ang 24-anyos ng gold medal sa 2021 ISTAF Indoor meet sa Berlin.
Susunod na lalahukan nito ay sa HdF Pas-de-Calais sa France.

The post EJ Obiena muling nagbulsa ng gintong medalya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EJ Obiena muling nagbulsa ng gintong medalya EJ Obiena muling nagbulsa ng gintong medalya Reviewed by misfitgympal on Pebrero 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.