Facebook

Manlalansi

ODIONGAN, ROMBLON – TUWING may halalan, nariyan ang mga manghuhula, manggantso, manduduro, o manlalansi na ikinakalat ang posibilidad ng walang halaan. Nasaksihan namin ang ganyan sa tuwing may halalan. Dahil wala nagagawa ang gobyerno ni Rodrigo Duterte sa pagsugpo ng pandemya, ikinalat ng alalay na Bong Go ang posibilidad na “no-el” (no elections) sa 2022.

Dahilan ni Bong Go ang pandemya kaya walang halalan. Wala batayan ang ganitong pamimilit dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang itinatadhana ng Saligang Batas na dapat may halalan sa 2022. Kung sisikilin ang demokratikong karapatan ng sambayan at iluluklok nila ang kanilang sarili sa hindi tiyak na panahon, malamang magkagulo sa Filipinas.

Dapat sundin ang Saligang Batas; wala ng iba. Hindi si Rodrigo Duterte, hindi si Bong Go, hindi si Sara Duterte, o sinuman na taga-Davao City ang masusunod. Tanging ang Saligang Batas ang dapat sundin. Ito ang kakapitan ng Sandatahang Lakas at iba pang institusyon ng demokrasya sa bansa. Taglay ang kaluluwa ng bayan sa Saligang Batas.

Maraming katanungan kung bakit nagsalita ng ganyan ang alalay. May malaking paksyon ba sa AFP ang mga elementong maka-China upang mangahas ng kudeta? Masyado na bang malakas ang mga taga-China upang suwayin ang utos at atas ng Saligang Batas?

Ito ba ang dahilan kung bakit gusto nilang palayasin si Delfin Lorenzana sa Tanggulang Bansa? Naunang tumutol si Lorenzana sa mga kontra-demokrasya na panukala tulad ng pagtatayo ng revolutionary government na magtatakwil sa Saligang Batas, federalismo, at iba pa? Saan tayo pupulutin kapag hindi nagkaroon ng halalan?

Hindi ba auto-golpe ang salaysay ni Bong Go, o kudeta sa sariling gobyerno? Bakit hindi sila lumahok sa halalan sa 2022? Bakit takot sila sa sigwa ng kaysaysayan? Dahil sa hindi malakas ang kanilang kandidato at malamang matalo siya ng kandidato ng puwersang demokratiko ng bansa? Ano ang paliwanag ni Bong Go?

Mukhang hindi naisip ni Bong Go ang kanyang sinabi. Mukhang hindi niya alam ang pagbabago ng ihip ng hangin. Mukhang hindi alam ang pagbabago sa foreign policy ng Estados Unidos. Hindi niya alam na nakamatyag mabuti ang Estados Unidos sa ikikilos ng China. Mukhang hindi niya alam na hindi na tulad ng dati ang kaayusan ng bansa.

Mukhang hindi niya alam na proyekto na ang mga taga-Davao City ng Estados Unidos. Kung hindi sila maaalis sa susunod na halalan, tatanggalin sila sa ibang paraan. Maraming opisyales ng AFP na sa alyansa ng Filipinas at Estados Unidos ang katapatan. Hindi sa China.

***

MUKHANG hindi alam ni Bong Go ang political dynamics ng kudeta. Hindi namin siya masisi dahil taga-Davao City. Hindi niya alam ng susumpa sa kanyang harap ang mga heneral at kanilang sundalo na kanyang panig sila. Ngunit sa takdang oras, hindi sila sasama.

Marunong ang mga sundalo. Kung hindi siya nakikipaglaban sa isang mabuting simulain, huwag silang aasahan. Nag-iisip rin sila. Kahit tambakan sila ng santambak na salapi, sa takdang oras, susundin nila ag kanilang budhi. Kaya hindi mabuti na may kudeta sapagkat hindi nakakasiguro ang mga nagsisimula ng kaguluhan sa bansa.

***

MAY isinulat ang aming katoto na Philip Lustre Jr. tungkol sa lumolobong utang ng gobyerno ni Duterte. Pakibasa na mabuti

HEAVY BORROWINGS

SOMEBODY asked me about the adverse effects of heavy borrowings, or high national debt. What if the national government has high debt? Would it mean national difficulties?

The overall debt of the national gov’t stands at a little over P10 trillion by end-2020. New debts could reach a little over P3 trillion this year, breaching the P13 trillion mark.

For the first half of 2022, the national government would borrow a little over P2 trillion because of heavy election-related expenditures.

This puts the overall debt of the national government at an estimated a little over P15 trillion when the term of Rodrigo Duterte ends on June 30, 2022, or 16 months from now, or a little over P9 trillion for six years of Duterte.

Hence, the Duterte government would incur an annual average of P1.5 trillion, which is slightly higher than the nearly P1.7 trillion the PNoy government borrowed for the entire six-year term.

The Duterte government could point to the pandemic as the reason for the economic decline. But it should be pointed out it did not have a viable economic program to meet the pandemic head on.

It did not have any plan, program, and targets for contact tracing, mass testing, or any solution to the pandemic. Last year, it thought of putting in place a mass immunization program, but it has yet to create a viable one.

It has kept on pointing to those negotiations for purchase and grants of vaccine doses from drug producers from the West. The Filipino people have no trust on China-made vaccines for its reputed low efficacy rate and questionable side effects.

Meanwhile, the GDP growth rate went down to -9.5% by end-2020, the highest rate of economic decline since the last world war. We are now seeing the ugly specter of stagflation, where prices of commodities go up, while the national economy remains stagnant.

The difficulty of heavy borrowings from local and foreign sources stems mainly from PD 1177, a Marcos law, which requires the government to meet its scheduled debt servicing before settling on the allocations in the annual national budget.

In brief, it means pay first the national debts before going to the national budget.

This draconian measure, a legacy of the Marcos dictatorship, assures the interest of creditors but hardly the national interest.

Hence, heavy borrowings could lead to lesser budget allocation for education, health, social services, and rehabilitation of victims of calamities, among others things.

The bigger the debt, the bigger the government has to pay.

The debts which the government gets from local and foreign sources are meant to be repaid. They are not free. Loans and grants-in-aid are two different things.

The successor of Duterte would have to suffer the brunt of his fiscal carelessness and mismanagement.

The post Manlalansi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manlalansi Manlalansi Reviewed by misfitgympal on Pebrero 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.