NASAWI ang isang nego-syante na dating barangay kagawad at kanyang helper nang pagbabarilin ng riding in tandem sa kanyang meat shop sa Marilao, Bulacan nitong Huwebes.
Kinala ang mga nasawi na sina Joselito Rustia; at ang kanyang helper sa meatshop na si Mark Christian Salona, 23, kapwa residente ng Barangay Loma de Gato.
Ang mga nakatakas na salarin ay nakasuot ng puting jacket at itim na helmet a ng driver, habang ang gunman na back ride ay nakasuot ng itim na jacket at helmet lulan ng NMAX motorcycle.
Sa report, nangyari ang pa-mamaril 9:20 ng umaga sa isang meat shop sa Heritage Homes ng naturang lugar.
Ayon sa ulat, sumulpot lang ang gunman at pinagbabaril ang mag-amo.
Mabilis na tumakas ang riding in tandem sa direksyon ng Meycauayan City.
Isinugod ang mga biktima sa Marymount Hospital sa Meycauayan subali’t namatay rin.
Ayon pa sa report, nawawala ang OppoA9 cellular phone at pitaka ni Zamora na naglalaman ng mga identification cards at pera na posibleng kinuha ng salarin.
Sinabing may maayos na panunungkulan, walang napabalitang kaaway at hindi pinalad manalo nitong nakaraang eleksyon si Zamora.
(James de Jesus)
The post Ex-kagawad, helper niratrat-patay ng tandem appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: