PATAY ang isang lider ng New People Army (NPA) sa Quezon nang makipagbakbakan ito sa tropa ng pamahalaan sa Buenavista, Quezon, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Ronnel Batarlo alias Marwin.
Ayon kay Capt Jayrald B. Ternio, spokesman ng 2nd Infantry Division, 4:00 ng umaga nang maka-engkwentro ng mga sundalo ang ‘di batid na bilang ng mga rebelde sa Sitio Pung-uy, Brgy Masaya, Buenavista.
Tumagal ang bakbakan ng 45 minuto na nagresulta ng pagkasawi ni Batarlo, habang tumakas sa iba’t ibang direk-syon ang mga kasamahan nito.
Ang grupo ni Batarlo ang responsable sa pag-ambush sa mga pulis sa barangay.
(Mark Obleada)
The post Lider ng NPA patay sa sagupaan sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Lider ng NPA patay sa sagupaan sa Quezon
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 05, 2021
Rating:
Walang komento: