TAMA itong naiisip ng Commission on Election (ComElec) na ipagbawal na ang face-to-face sa pangangampanya sa darating na ‘Halalan 2022’.
Ito’y upang maiwasan narin ang pagkalat pa ng kinatatakutang Coronavirus 2019 (Covid-19).
Hindi lang dapat ang face-to-face campaign ang ipagbawal, kundi maging ang mass gatherings tulad ng “caucus” at “meeting de avance”.
Gawin nalang ang pangangpanya sa social media (Facebook, Tweeter, Instagram) at sa mainstream media – radio, TV, diario na pawang may online narin.
Oo! Malaking tipid ito sa mga kandidato at menus effort. Hindi na nila kailangan umikot pa sa kungsaan-saan para mambola ng botante. Idaan nalang sa media ang pangangampanya. Pagalingan nalang ng plataporma.
***
Dapat maglabas uli ng memorandum circular ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magpapaalala sa Local Government Units (LGUs) na bawal mag-print o maglagay ng pangalan ng politiko sa sasak-yang gamit ng barangay, munisipyo/lungsod at provincial, lalo kung ito ay hindi rehistrado sa Land Transportation Office (LTO). Epal ito, sabi ni late Sen. Miriam.
Ito namang LTO ay dapat maging mahigpit sa pagpa-patupad ng kanilang mandato, ang manghuli ng mga sasakyan na bumibiyahe nang walang rehistro. Kolorum!
Tulad sa lalawigan ng Romblon, namahagi si Representative Jesus “Budoy” Madrona ng mga mini van sa mga barangay ng bawat munisipyo. Naka-print sa harapan ng sasakyan ang kanyang apilyedo “Madrona Cares”, tapos wala itong plaka ng LTO kahit conduction sticker.
Sa madali’t salita, ang van na ipinamahagi ni Madrona ay kolorum! Dapat itong hulihin/i-impound ng PNP-Highway Patrol Group lalo ng LTO. Dahil napaka-unfair sa mga motorsiklo at ibang motorista na hinaharang/hinuhuli/ini-impound ng LTO o PNP-HPG dahil ‘di rehistrado.
Totoo… napakahalaga sa mga barangay lalo sa liblib ang sasakyan, pero gawin naman sana itong ligal, hindi kolorum.
Ano bang problema at ayaw itong iparehistro sa LTO? Dahil ba may graft and corruption dito? Surely taxpayers money ang ipinambili sa naturang mga sasakyan. Hindi naman ganun kabilyonaryo si Madrona para mamahagi ng napakaraming mini-vans. Never nga itong ginagawa ng No. 1 billionaire sa bansa na si Manny Villar.
Naalala ko pa… may nakita akong accomplishment report ni Madrona noon na ultimo “bomba” o jetmatic na worth P3K ay nakatala, para lamang i-justify ang pinaggagastusan ng kanyang pondo. Ito pa kayang mini-vans na sa tingin ko ay hindi bababa sa P150K bawat isa.
Kung ito’y galing sa pondo ni Madrona, malamang ay naka-jackup pa ng ilang doble ang presyo nito tulad ng ginawa niya sa fertilizer fund noon, kungsaan nahaharap siya ngayon sa kasong Graft sa Sandiganbayan. Mismo!
At kung ito man ay donasyon kay Madrona ng mga kontraktor sa Romblon tulad ng Sunwest at Legacy, ito’y korapsyon parin.
Ipinagbabawal sa batas ang pagtanggap ng anumang regalo o donasyon mula sa mga kontraktor dahil ito’y nagiging ugat ng korapsyon. Mismo!
Anyway, mayroon nang concerned citizen sa Romblon ang nagsampa ng reklamo sa DILG hinggil sa naturang “Madrona Cares” vehicles sa mga barangay. Tingnan natin kung ano ang magiging resulta ng reklamo. Basta’t para sa akin, malinaw na mayroon ditong korapsyon. Yes!
The post Face-to-face election campaign no more? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: