GINAWARAN ng kaukulang rekognisyon si Philippine Table Tennis Federation(PTTF) Vice President Arnel Berroya dahil sa kanyang di matatawarang kontribusyon sa pagkatatag ng isa sa mga haliging table tennis organization sa bansa partikular sa National Capital Region.
Kinilala ng Pateros Table Tennis Organization (PATTO) si Berroya- isa sa founder ng naturang samahan na itinatag noong dekada ‘80 at hanggang sa kasalukuyan ay nagsisilbi pa rin siyang consultant ng PATTO.
Magmula nang maitatag ang naturang asosasyon ng larong pingpong sa Eastern Metro Manila ay lumawak ang entusiyasmo sa naturang sport at naging breeding ground ang PATTO ng mga potensiyal na kabataan sa naturang game of speed, mind and precision.
Ang gawad pagkilala ay pinangunahan nina PATTO president Moner Luna, VP Hannibal Luna, Secretary-General Tony Luna, Auditor Alfred Sebay at Treasurer Alfredo ‘Boy’ Calma sa isang makulay at makabuluhang awarding ceremony sa Pateros venue.
Pinuri at binati naman ni PTTF president Ting Ledesma si Berroya sa kanyang napakalaking ambag sa pagsulong ng larangan ng pingpong sa bansa kaya’t aniya ay marapat lang ang rekognisyon para sa kanyang pagmamahal at malasakit sa sport.
“I am an eyewitness to the scenario in PATTO during its early staging in the mid-80’s because coach Arnel (Berroya) brought me there at the old site of PATTO and played with upcoming and veterans that helped ang guided me to improved in my craft. Congratulations to my mentor and adviser” pagbati ni President Ting’Hotponger’ Ledesma sa kanyang close friend Vice President ng PTTF.
Pinasalamatan naman ni Berroya ang handog na pagkilala sa kanyang humble way na ambag sa pagsulong ng larangan.
“Maraming salamat sa pamunuan ng PATTO sa kanilang kaloob na importansiya sa inyong abang lingkod na kasama ninyong gumuhit ng kasaysayan sa larangan sa mahal niyong bayan ng Pateros. Natupad ang ating layunin dahil sa pagbubuklod mula noon hanggang sa kasalukuyan. Ngayon ay dinarayo na ng mga table tennis enthusiasts mula sa Metro Manila at karatig ang Pateros pingpong hub. Sisikapin nating lumawig pa at lalong mapaayos ang mga table tennis venues para sa kapakanan ng ating ka-pingpongista,” taos-pusong bigkas ni Berroya. (Danny Simon)
The post GAWAD PAGKILALA NG PATTO KAY PTTF VP BERROYA, DESERVE NIYA – PRES. LEDESMA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: