Facebook

Pag-atras ng Pilipinas sa hosting ng FIBA event ipinaliwanag ng SBP

TINIYAK ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na handa pa rin ang Pilipinas na humawak ng anumang events ng FIBA.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pag-atras ng bansa sa hosting ng nalalapit na pangalawang window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers dahil sa travel ban na ipinapatupad ng gobyerno.
Gaganapin sana ang nasabing palaro sa Clark, Pampanga subalit pinili nilang kanselahin ito para hindi na kumalat pa ang bagong variant ng COVID-19.
Paglilinaw pa ng SBP president na naiintindihan ng FIBA ang ginagawang paghihigpit ng gobyerno para mabantayan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Ang nasabing pag-atras aniya ng bansa ay hindi makakaapekto sa co-hosting ng bansa ng 2023 FIBA Basketball World Cup na bukod pa sa bansa ay kasama nila ang Indonesia at Japan bilang host.
Dahil sa pag-atras ng Pilipinas sa hosting ay napili na ang Doha, Qatar na siyang magiging host ng Group A na kinabibilangan ng New Zealand, Australia, Guam at Hong Kong bukod pa sa kinabiiblangan nilang Group E kasama ang Saudi Arabia, Syria at Iran ganun din ang Group B na binubuo ng Japan, China, Chinese Taipei at Malaysia.

The post Pag-atras ng Pilipinas sa hosting ng FIBA event ipinaliwanag ng SBP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pag-atras ng Pilipinas sa hosting ng FIBA event ipinaliwanag ng SBP Pag-atras ng Pilipinas sa hosting ng FIBA event ipinaliwanag ng SBP Reviewed by misfitgympal on Pebrero 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.