Facebook

Governor Ynares, dedma ang droga at sugal sa Rizal!

BINASAG ng mga mamamayan ng siyudad ng Antipolo,mga bayan ng Cainta at Taytay ang kanilang pananahimik at nagkakaisang kinondena ang salot na operasyon ng jueteng at loteng na ginagamit na kanlungan sa malawakang kalakalan ng droga sa mga siyudad at bayan ng lalawigan ng Rizal..

Dahil sa hindi masupil ng mga hepe ng kapulisan sa ilalim ni PNP Provincial director P/Col. Joseph Arguellles ang talamak na operasyon ng jueteng na binabangkaan ng isang alias John Yap at loteng naman ni alias Bong Sola ay lalong naging palasak ang bentahan ng droga sa Antipolo City, mga bayan ng Cainta at Taytay at sa iba pang mga munisipalidad sa Rizal.

Hihigit pa sa Php 6 milyon ang kinakale ng magkahiwalay na operasyon ng Perya ng Bayan (PnB) cum jueteng nina John Yap at ng kanang-Kamay nitong si Alvaran alias Jun Moriones at loteng ni alias Bong Sola kada araw. Mahigit naman sa kalahati ng kinikita ng mga ito ay naibubulsa ng ilan nilang mga protektor na police, provincial at local government officials.

Kaya naman huling baraha na lamang ng mga apektadong mamamayan ang paghingi ng tulong kina Senador at Presidential Special Asssistant Lawrence “Bong” T. Go at Department of Interior and Local Government (DILG) Secrerary Eduardo Año para malansag na ang drug / gambling operation sa Antipolo City at 13 mga munisipalidad sa lalawigan ng Rizal. Si Sec. Año ang dating boss ng nanunungkulang PNP Regional 4-A director PBG Felipe Natividad.

Hiling din ng mga naturang mamayan na pinangungunahan ng tatlong Sangguniang Bayan Kagawad na pakasuhan nina Senador Go at Sec. Año si Gobernadora Rebecca “Nini” Ynares dahil sa kabiguan nito na masugpo ang mga kawalanghiyaang pinaggagawa nina John Yap, Jun Moriones, Bong Sola at isang retired police sergeant na alias Abion na nagsisilbing pinaka-matinding protektor nina John Yap, Jun Moriones at Bong Sola sa operasyon ng iligal na pasugal at bentahan ng droga sa probinsya ng Rizal .

Turing nila ay mistulang inutil si Gobernadora Ynares laban kina John Yap, Jun Moriones, Bong Sola at Abion kung kayat malayang nakapagpapabenta ng shabu ang mga ito sa kanilang mga kabo at kubrador sa halos ay limang buwan nang pag-ooperate ng kalakalan ng droga sa Lungsod ng Antipolo at sa 13 mga bayan ng Rizal lalo na sa Cainta at Taytay.

Panawagan din ng mga nagrereklamong mamamayan na ipasibak sa kanilang puwesto ang mga hepe ng Kapulisan ng Antipolo City, mga bayan ng Cainta at Taytay kung saan ang sentro ng operasyon ng pa-jueteng, loteng at kalakalan ng droga nina John Yap, Jun Moriones, Bong Sola at Abion.

May mga safe houses na gamit ding rebisahan ng jueteng at loteng at bentahan ng shabu ang mga nabanggit na iligalista sa Antipolo City, Cainta at Taytay ngunit wari ay walang kamuwang-muwang ang gobernadora at si Rizal PNP Provincial director,P/Col. Joseph Arguelles sa nagaganap na katiwalian sa kanilang hurisdiksyon.

“Kahina-hinala talaga at imposible namang sa dami ng kanilang mga pulis at iba pang tauhan ay hanggang ngayon ay di pa nila naaaksyunan ang salot at iligal na hanapbuhay nina John Yap, Jun Moriones, Bong Sola at Abion sa halos lahat na 188 na barangay sa aming lalawigan”, ang hinaing sa atin ng mga nasabing konsehales na sadya nating di binanggit ang mga pangalan.

Maglilimang buwan na din palang full-blast ang jueteng at loteng operation at maging ang bentahan ng droga sa Antipolo City at sa lahat na 13 munisipalidad ng nasabing probinsya ngunit kataka-taka nga na wala ding aksyon sina Gov. Ynares at General Natividad laban kina John Yap, Jun Moriones at Bong Sola.

Saan man sumuling sa dakong gabi sa may 10 barangay ng Antipolo City, mga bayan ng Cainta at Taytay ay naglisaw ang mga drug addict na kabataan at katatandaang nag-aabang ng mga tulak ng shabu na mga kabo at kubrador ng jueteng at loteng nina John Yap at Bong Sola.

“Kung may natitira pang pagmamalasakit sa kanyang mga mamamayan si Gobernadora Ynares ay kailangang kumilos na ito bago maturingang “Lalawigan ng sugapa sa droga at sugarol” ang probinsya Rizal, ang giit pa ng mga Municipal Councilors nang dumulog sa SIKRETA may ilang araw pa lamang ang nakararaan.

Ayon pa sa mga nabanggit na kagawad, ang modus operandi ng mga tauhan nina John Yap, Jun Moriones, Bong Sola at Abion ay makipag-transaksyon sa mga suki ng mga itong drug addict habang nangungubra ng taya sa jueteng at loteng sa dakong umaga hanggang hapon saka ng mga ito ide-dispatsa ang “bato” sa bandang may kalaliman na ang gabi sa mga nag-aabang na mha sugapa sa droga.

Pinalulutang ni Abion na siya ang bagman” ng opisina ni Gobernadora Ynares kaya’t ito ang nagbigay ng bendisyon para makapag-operate sina John Yap, Jun Moriones at Bong Sola ng iligal na jueteng at loteng sa nasabing probinsya.

Ipinagyayabang din ni Abion na kumpare nito si ex-Gov. Casimero “Ito” Ynares Jr, asawa ng Gobernadora at body guard siya ng mga Ynares simula pa nang ito ay nasa aktibong serbisyo sa kapulisan.

Kung totoo ang ipinangangalandakan ni Abion ay may posibilidad nga na “bagman” ito ng tanggapan ni Gobernadora Ynares, kaya tuloy ang kanilang ligaya sa Rizal?

Tingnan lang natin ang tigas ng mga hinayupak na iligalistang ito kapag gumalaw na sina Senador Bong Go at Sec. Año. Itutuloy, abangan…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.

The post Governor Ynares, dedma ang droga at sugal sa Rizal! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Governor Ynares, dedma ang droga at sugal sa Rizal! Governor Ynares, dedma ang droga at sugal sa Rizal! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.