BAKUNA ang inaasahang panglaban at tatapos sa pandemyang dala ng virus na nakamamatay na COVID-19.
Mag-iisang taon na ang nakalilipas at patuloy pa rin nating binabalikat ang mga pagbabagong dala ng pandemiya. At mas nadagdagan nito ang kahirapan lalo na dito sa ating bansa.
Kaya ganun na lamang din ang pagsusumikap ng mga opisyal ng ating pamahalaan na makakuha ng bakuna sa anumang paraan – pagbili, pangungutang, panghihimok sa donasyon at maging panghihingi sa mga kaalyado nating mga bansa na may naimbento ng bakuna.
Ayon kasi sa mga dalubhasa ng agham o siyensa, kailangang pitumpu hanggang walompung prosiyento (70-80%) ng populasyon ng mundo ay mabakunahan ng panglaban sa COVID-19 upang manumbalik ang lahat sa normalidad.
Kaya ang mayayamang bansa ay tinatarget na 75’percent ng kanilang populasyon ay dapat mabakunahan nang dalawang beses. Ito ay nangyayari na sa Israel at America na umaasang bago magpalit ang taong 2022 ang karamihan sa kanila ay nabakunahan.
Dito sa atin ay lumalarga na rin, kaya ang tinatawag na ‘roll out’ o ang pamamahagi ng bakuna saan mang galing na bansa ay pinaghahandaan na. At ang tinatrget na panahon na dapat kahit 70 milyong Filipino ay dapat mabakunahan na ay apektado ng maraming gkakataon para mablam ito.
Halimbawa, ang mabagal na pagdating ng bakuna, magmula sa pinanggalingang bansa o kaya naman ay yung mga naririto na, ay di madala agad sa mga malalayong probinsiya.
O kaya naman ay sa panahon ng tang-ulan, pihado ring mababalam ang pagbabakuna sa ating mga kababayan dala ng mga pag-ulan at pag-bagyo. Mga pagbaha na dapat pa rin nating paghandaan kasama ang istratehiya sa pagbabakuna.
Kapag bumagal kasi o natigil pansamantala ang pagbabakuna, ang virus na di nakikita na COVID-19 ay nagkalat pa at maaaring kapitan pa ang mga di nabakunahan. Kung kakaunti pa lang ang nabakunahan, maaring kumalat pa ang virus.
Kaya ang diskarte ng Administrasyon Duterte ay agad-agad dapat na mabakunahan ang maraming Filipino. 70 million nga ang target na tinatayang halos kalahati ng populasyong bulnerable sa virus.
“Herd immunity” ang tawag ng mga taga-Department of Health dito. Yun bang marami sa komunidad ay mabakunahan upang lumaki ang bilang ng mga may panlaban sa COVID-19, upang di ito makapaminsala na.
Mas mahalagang mabakunahan ang karamihan sa atin, upang kahit papaano ay makabalik tayo sa normalidad man lang o makagalaw tayo nang maluwag-luwag sa pang-araw-araw nating mga pangangailangan. Yun bang hindi tayo mababaon sa pag-oobserba ng social distancing nang isang dekada.
Kaya mapabakuna na mga kabayan ko. Matatapos din ang pandemiyang ito.
The post Hanggang saan ang pandemic na ito? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: