Facebook

“Health is wealth” – Isko

“ANG wish ko at ipinagdarasal na lagi kayong maging ligtas kayo at malusog…. ‘yun ang pinaka-precious commodity nowadays. Health is wealth. Kung Hei Fat Choi!”

Ito ang mensaheng ipinaabot ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga miyembro ng Chinese-Filipino community makaraang panguhahan niya ang traditional lion eye-dotting ceremony at ang pagpapatunog ng gong bilang tanda ng pagsisimula ng Chinese New Year celebration sa kabila ng kawalan ng mga traditional outdoor activities dahil sa pandemya.

“We did not cancel the celebration. It will push through but in a different manner… that can be done without putting the people in harm’s way. Tuloy ang selebrasyon, medyo iba nga lang,” pahayag ni Moreno na nagpaliwanag na ginawa nila ang seremonya sa mall nang walang shopping public at kakaunti lamang ang kinatawan ng mga Chinoy organizations, partikular ang mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Incorporated (FFCCCII) sa pangununa ni external affairs committee chair Nelson Guevarra.

Ikinararangal ng alkalde ang mga kontribusyon ng mgaTsinoys sa pag-unlad hindi lamang ng Maynila, kundi ng buong bansa.

Nanawagan ang alkalde sa lahat Chinese-Filipinos na ipagpatuloy ang kapit-kapay na pakikipagtulungan sa national at local government, lalo na sa sa kanilang binibigay na ayuda sa laban kontra pandemya.

“We’re proud of you, our brother and sister Tsinoys. Although you may have Chinese blood running in your veins, I believe that in your hearts and in your minds, you all are Filipinos and you are Manilenos,” pahayag ng alkalde.

Hinikayat din ni Moreno ang lahat ng Chinese-Filipino businessmen na ituloy lang ang pagnenegosyo sa Maynila, at sinabing silang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ay titiyakin ang kanilang kaligtasan.

Gayundin ay binanggit ni Moreno na ginagawa nilang lahat ni Lacuna ang kanilang makakaya upang sinupin ang kaban ng lungsod at tinitiyak na wala kahit na sentimo na masasayang. Ito lang aniya ang paraan na makakabayad sila sa suportang ipinagkakaloob ng publiko sa kanila, lalo na ng mga taga-Maynila.

Ang tanging hinihiling lamang ni Moreno sa lahat ng mga taga-Maynila ay ang igalang ang bawat isa sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa itinakdang health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, madalas na paghuhugas ng kamay at physical distancing.

Tiniyak din ng alkalde na handa na ang lahat para sa vaccination program ng lungsod at tanging bakuna na lamang ang kulang. (ANDI GARCIA)

The post “Health is wealth” – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Health is wealth” – Isko “Health is wealth” – Isko Reviewed by misfitgympal on Pebrero 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.