Facebook

Saklolo Senador Go!

HALATA ang pagpapabaya o kaya ay pangungunsinte ng nakararaming hepe ng kapulisan sa lalawigan ng Rizal sa malaganap na operasyon ng bentahan ng droga na nagkakanlong sa operasyon ng jueteng at loteng sa nasabing probinsya, kaya napilitan na ang mga itong magpasaklolo kay Senador Lawrence “Bong” T. Go para maputol na ang namamayaning katiwalian doon.

Matindi ang hinala ng grupo ng Sanggunian Kagawad na di natin sadyang binanggit ang mga pangalan na hindi lamang nagpapabaya ang maraming hepe ng kapulisan sa lalawigan ng Rizal kundi may posibilidad din na nakapayola ang kani-kanilang tanggapan sa jueteng at loteng operator sa Antipoplo City at 13 munisipalidad ng nabanggit na lalawigan.

Ang mga drug lord na operator din ng jueteng at loteng sa Rizal ay sina alias John Yap, Alvaran alias Jun Moriones at alias Bong Sola. Silang tatlo ang kinikilala ding high profile drug traders sa buong lalawigan ng Rizal, mga kanugnog na probinsya at maging sa Metro-Manila. Hayag ang katotohang ito, ngunit ang kapulisan lamang ang tila di pa nakakaalam.

Gamit nila sa pagbebenta ng droga ang kanilang mga kabo at kubrador, sa mga big-time street drug pusher at maging sa mga drug addict sa CALABARZON at kalakhang Maynila.

Milyones na salapi ang kinikita ng tatlo, ngunit kalahati nito ay napupunta sa bulsa ng kanilang police , provincial, local at barangay protectors at iba pang awtoridad.

Sa kawalan na nang masulingan para hingian ng tulong ay nagpasya ang mga SK na manawagan na at magpatulong kay Senador Go na siya ring Special Assistant ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Naniniwala ang nabangngit na Sangguniang Kagawad na bilang Presidential Special Assistant ay walang makakapalag kapag ipinag-utos na ng Senador na supilin ni Rizal Provincial Governor Rebecca “Nini” Ynares ang salot na operasyon ng droga at iligal na pasugal nina John Yap, Jun Moriones at Bong Sola.

Tiyak na walang pangingiming susundin din ang kanyang atas nina PNP Region 4-A director PBG Felipe Natividad at Rizal Provincial director, P/Col. Joseph Arguellles.

Bilang isang dating kagawad ng pulisya ay alam natin na kapag nagbigay ng direktiba ang kanilang pinuno tulad ng RD at PD ay magkakandakumahog na susunod ang kanilang mga police chief.

Kaya ang tulad sa mga inerereklamong sina Antipolo Police Chief, P/LtCol. Jose Joey C. Arandia, Cainta Police Chief, P/LtCol. Rodolfo R. Santiago at ang hepe ng bayan ng Taytay na si P/LtCol. Rodel S. Ban-O ay walang gatol na susunod kina RD Natividad at PD Arguelles.

Nauna nang hiniling ng nasabing grupo na sibakin sa pwesto at ipagharap ng kasong administratibo ng Dapartment of Interior and Local Government (DILG) ang mga nabanggit na hepe ng kapulisan dahil sa kawalan ng mga ito ng aksyon sa napaka-talamak at parang ligal na pangungubra ng taya sa jueteng at loteng sa Rizal na siyang dahilan ng paglaganap din ng bentahan ng shabu doon.

Nanawagan din ang mga naturang local official na sampahan ng administrative case laban sa kanilang gobernadora dahil sa kapabayaan nitong mapigil na makapag-operate ng kalakalan ng droga, jueteng at loteng ang mga naturang iligalista sa looban ng may limang buwan nang singkad.

Isang retiradong pulis na nakilalang alias Abion ang umaaktong engkargado nina John Yap, Jun Moriones at Bong Sola. Si Abion din na nagpapakilala pang “bagman” ng opisina ni Gov. Ynares ang nagbigay ng permiso para makapagpatakbo ng iligal na pinagkakakitaan sa lalawigan ng Rizal ang nabanggit na mga iligalista.

“Kung walang poder at impluwensya si Abion sa admisnistrasyon ni Gov. Ynares ay hindi ito mangangahas na magbigay ng permiso sa mga salot na drug at gambling lords na ito para makapagpatakbo ng mga iligal sa Rizal”, ang pahayag ng nasabing mga konsehales.

Modus operandi ng mga tauhan nina John Yap, Jun Moriones, Bong Sola ay makipag-transaksyon sa mga suki ng mga itong drug addict habang nangungubra ng taya sa jueteng at loteng sa dakong umaga hanggang hapon saka ng mga ito ide-dispatsa ang “bato” sa bandang may kalaliman na ang gabi sa mga nag-aabang na mga sugapa sa droga.,

May ilang safehouse din sina Johyn Yap, Jun Mopriones at Bong Sola sa Antipo City, Cainta at Taytay ngunit kataka-takang di ang mga ito nilalansag nina Arandia, Santiago at Ban-O.

Ang mga safehouse na ito ang ginagamit na rebisahan ng taya sa jueteng at loteng ng mga nasabing dru/gambling lords.

“ Kahit mga bata ay alam na alam ang hideout nina John Yap, Jun Moriones at Bong Sola ngunit tanging ang ang mga pulis lamang ang sa wari ay walang muwang sa pinaggagawa ng mga salot na ito ng lipunan, di po kami mapanininiwala na di alam ng kapulisan ang bolahan, rebisahan ng jueteng at loteng pagkat napakaraming drug addict din ang nagpupunta doon para bumili ng shabu”, ang hinaing pa ng mga nasabing konsehales.

***

KATARANTADUHAN NG GOBYERNO?

NAKITA po nyo ang karantaduhan at kayabangan ng gobyerno? Kamakalawa ay nalathala ang larawan sa Police Files ang dumating na daw na bakuna. Pero ito, BAKUNA NGAYONG BUWAN MALABO- DOH, di sigurado ang pagdating ng bakuna sa Pebrero 15. Marami na namang mababaw na dahilan. Kahit di na dumating yan ok lang, wala namang magpapaturok sa puwet. Kayo muna ang magpaturok sa puwet ninyo! Ito pa ang katarantaduhan, COVID VACCINATION PROGRAM TAON 2023 PA MATATAPOS. Punyeta kayo, tapos na ang mundo sa bakuna nitong taon pero ang bansa natin 2023 pa makukumpleto? Di kaya pinagtatawananan ang ating gobyerno ng ibang bansa. Tiyak 95% ang hindi magpapaturok sa grabeng takot ng mga mamamayan sa isyu ng bakuna. Ang 5%, kayo na lang yan pero ayaw nyo rin. Sayang ang pambili ng bakuna. Juan po ng Maynila.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.

The post Saklolo Senador Go! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Saklolo Senador Go! Saklolo Senador Go! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.