Facebook

Mga nakaraang krisis…

HINDI na bago ang mga nakaraang hostage crisis at iba pang trahedya na nangyari na ngayon ay nagbibigay ng malaking problema at kahihiyan sa dangal ng Pilipinas at sa sambayanang Pilipino.

Ang mga kritiko ni President Rodrigo Roa Duterte at iba pang mga naging Pangulo ng bansa ay hindi ligtas sa pagbatikos ng ibang bansa, at kung inaakala nila na dahil kinokondena nila ang nangyaring trahedya nung mga nakaraan, sila ay “ligtas” at “dapat na hangaan.”

Ang kapalpakan at malaking kahihiyan na nangyari noong mga nakalipas na panahon ay hindi lamang nakatuon sa kanila nakaturo ang mga daliri ng paninisi.

Hindi ang mga “palpak” na umatake sa hostagetaker ang may kasalanan.

Hindi lamang ang mga commanding officials sa lokal at pambansang pamahalaan dapat sisihin sa kahiya-hiyang pangyayari na dahilan upang ang bansa natin ay gawing punching bag ng pagkondena ng mga opisyal ng Hong Kong, ng China at ng Canada.

Ang sisi ay dapat na ibagsak sa ating lahat na mga Pilipino.

May tudyo noong panahon ni Marcos na tayo raw ay isang bansa ng milyong Pilipinong bobo at isang henyong buktot na pangulo at mga kasabwat na mababagsik na kasamang opisyal sa pamahalaan, sa pulisya, sa military at sa mga hukuman.

Ang pagtukoy ay ang malaking batik sa ating kaluluwang Pinoy at ito ang kultura ng walang pakikialam.

Nasanay na tayo sa ‘kami-kami.’ ‘sila-sila’ at nakalimutan natin na tayo ay iisang bansa, at ang katotohanan ng kasabihan: Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan!

‘Wag nating sisihin ang iilan, kungdi tingnan sa kabuuan.

Hindi sa kung ano pa man, dapat na bigyan ng matinding alalay lagi ang lahat na nagpapatakbo sa lokal o pambansang pamahalaan kung may mga matitinding krisis o trahedya na nangyari.

Pero umano ang media – na sinasabing tinig ng bayan – ay ano ang ginagawa?

***

Konting kibot, upak sa mga mali o di sinasadyang pagkakamali.

Ga-buhok na mali, ginagawang lubid na pambigti sa mga opisyal ng mga admnistrasyon.

Imbes na pag-unawa at pag-alalay, naglalagay ang media at ang mga nasa oposisyon ng mga pako at harang upang ang mga administrasyong nasasangkot noon at ngayon a mga matitinding trahedya at krisis ay hindi makagapang at makatayo at makalakad at makatakbo.

Walang mali kungdi ang nakaupo at ang sampay-bakod na kritiko ang laging tama at may kahenyuhan na gawin ang solusyon sa mga nakikita ng problema.

Sa krisis ng pamamahala at kabuktutan ng mga panahon ni Marcos ay lumawig dahil sa ating walang pakikialam, at ang mga nakaraan na taon ng mga nakaraang pamamahala na higit sa isa o sampu ang ibinigay na kahihiyan sa ating kaluluwa bilang bansa, ito ay atin na bang nakalimutan.

Ang bahid ng mga nakaraang pagkakamaling ito ay minana at pinapasan lagi ng mga bagong pamahalaan at sa halip na tayo ay tumulong upang “makinalikat” at “makipasan”, mistulang sa pasan ni Pangulong Duterte, naglalambitin pa tayo sa mabigat na kasalanan ng nakaraan upang siya ay tuluyang bumagsak at mamatay.

Ang pagbagsak ni Preidente Duterte ay pagbagsak din nating lahat.

Ang krisis ng mga nakaraang Pangulo at ni Pangulong Duterte ay krisis nating lahat.

***

Ngayon ay bigyan naman natin ng epasyo itong liham na ipinadala sa inyong lingkod ng isa nating masugid na tagasubaybay:

Dear Sir Bambi:

Ilang buwan na ang lumipas ng manalasa ang bagyong Ulysses sa Pilipinas at isa ang bayan ng Rodrgiuez (Montalban) Rizal sa naapektuhan. Ayon na rin sa Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, inabot sa 25,000 na pamilya ang naapektuhan. May mga tulong man na nakarating sa ating mga kababayan pero hindi lahat ay nabahagian.

Isa si Willie Revillame sa nagpaabot ng tulong pinansyal para sa Rodriguez. Ang siste nga lang hanggang ngayon ay di pa nakakaabot sa mga tao ang nasabing tulong dahil may mga nagsasabing iniipit ng munisipyo ang donasyon. Mayroong mga pari na nakausap si Willie at imbes na sa mga parokyano mapunta ang donasyon para sila ang magbahagi ay inipit ng munisipyo, bagay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakarating sa mga nasalanta ng bagyo. Sana naman ay makonsensya ang mga nakaupo lalo na ang mag-amang Hernandez na nakaupo ngayon bilang Mayor at Vice Mayor ng Rodriguez, Rizal. Konting respeto sana sa inyong kapwa tao at bawasan ang pagiging abusado.

Concerned citizen
Adelaida Serrano ng Rizal

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Mga nakaraang krisis… appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga nakaraang krisis… Mga nakaraang krisis… Reviewed by misfitgympal on Pebrero 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.