MUKHANG obligadong magmanok ng isang malakas na panlaban ang pamilya Lopez, owner ng ABS CBN sa darating na 2022 presidential elections upang masigurong mapagkakalooban sila ng permit to operate ng National Telecommunications Commission (NTC) sa kabila nga ng posibilidad na pagkalooban na nga ng Kongreso ng prangkisa ang nasabing ipinasarang TV network.
Ito ay makaraang direktang sabihin ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte kamakailan sa kanyang regular People’s Address na hindi niya (Duterte) papayagang makapag-operate ang nasabing TV station kahit pa nga bigyan ito ng bagong prangkisa ng both Houses of Congress.
Ang ibig sabihin nito, no ABS CBN until after the tenure of President Duterte in office.
Eh paano kung si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang manalong Pangulo kahalili ng kanyang amang si Tatay Digong?
So another six (6) years na naman ang aantayin ng mga Lopezes at the minimum bago muling maging “back to broadcast” ang nasabing TV and Radio network!
At the minimum dahil walang nakakatiyak na sa mga susunod na taon ay hindi maisulong ang Charter Change (Chacha) na magpapalawig sa termino ng susunod na mahahalal na Pangulo ng bansa.
So it may mean forever waiting na para sa nasabing former no.1 TV network.
Para sa ating personal na konklusiyon, maoobligang magmanok o pumusta ang Lopez family sa isang presidential candidate para sa nalalapit na 2022 presidential elections to push or booster their chances of getting back into circulation.
Direktang sinabi ng Pangulong Duterte na hindi nito papayagang muli makapag-operate ang ABS CBN “until and unless” bayaran ng nasabing TV network ang napakalaking pagkakautang nito sa pamahalaan.
Una nang itinanggi ng ABS CBN na may pagkakautang silang buwis sa gobyerno.
Nagbanta pa ang Pangulong Duterte na ang kasong ito na kanyang tinutukoy laban sa ABS CBN ay kanyang ibibigay sa Ombudsman upang imbestigahan sa layong maibalik ang perang nawala sa taongbayan.
Ngayon pa lamang ay matunog nang kandidatong susuportahan ng mga Lopez ay si VP Leni Robredo ng Liberal Party (LP) na inaasahang tatakbong standard bearer ng nasabing partido ng oposisyon.
Sinasabi ring posibleng i-tandem kay Robredo ay ang nakakulong na Senadora na si Laila Delima para sa dramatic impact nito dahil kakandidato ito mula sa karsel o bilangguan.
Ang Leni –Delima tandem ng oposisyon ay makakasagupa ng manok ng admnistrasyon sa pangunguna ni Presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na karnal na kalaban ng pamilya Lopez.
Napaka-importante ang magiging halalan sa darating na 2022 kung saan, mamamayang Pilipino ang huhusga at magtatama sa mga binaluktot na katotohanan patungkol sa kasaysayan ng pulitika sa bansa.
Ang resulta ng 2022 Presidential elections ang magdidikta kung anong direksyon ang tutunguhin ng bansa sa mga susunod na mga taon.
Pero sa ating pananaw, “continuity” sa mga programa at pamamahala sa gobyerno ang napaka-importante dahil dito naka-angkla ang pagbangon ng bansa sa krisis na kinakaharap natin sa kasalukuyan dulot ng pandemya at matinding inflation.
Ang paghalal sa isang grupong di kaalyado ng kasalukuyang administrasyon ay magdudulot ng delubyo para sa bansa at sa sambayanan dahil babalik sa square 1 ang lahat ng mga pagawain ng pamahalaan.
Square 1 meaning, lahat ay mag-uumpisa muli mula sa wala o zero.
Hindi na ito kakayanin pa ng kasalukuyang estado ng Pilipinas.
Having this two choices, political suicide na matatawag kung ang grupo nina Robredo ang maluluklok sa Malacanang dahil nakakasiguro tayo na ang bagong rehimen ay nakasemento at naka-base sa vindictive governance.
Kung saan, masasayang ang mga mahahalagang taon na gugugulin sa pagganti sa nagdaang rehimeng Duterte at pag-prosecute sa mga kaalyadong pulitiko at mga opisyales nito.
It will mean “heaven or hell” for the Filipino people.
Sino namang gagong Pinoy ang gustong sumama sa impiyerno at masunog sa kumukulo at nagbabagang langis.
So we have to go with continuity of power by electing Inday instead of Leni, and with Bongbong than going with an inmate prisoner like Laila!
Don’t be a fool to ask for the moon!
“Wag na rin po tayong pagamit pa sa mga Lopezes na matagal na nating batid na kabilang sa mga oligaryong pamilya na di mapatunayan ang kanilang tunay na pagka-Pilipino!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Heaven or hell appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: