NANINIWALA ang isang grupo ng mga Muslim na kailangan munang ipagpatuloy ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso ang nasimulan nitong pagbabago sa Maynila bago sumabak sa Presidency.
Ayon kay World Philosopher forum Chairman Shariff Ibrahim sa media forum ng ‘Report to the Nation’ ng National Press Club (NPC) nitong Biyernes ng umaga, dapat ipagpatuloy muna ni Domagoso ang sinimulan nito sa Maynila dahil premature pa para maging Presidente ito ng Pilipinas.
“In fairness kay Mayor Isko, napakaganda ng sinimulan niya, sana ipagpatuloy pa muna .. premature pa..3 years still young, tapusin niya para maipakita at maghanda siya for 2028”, ani Ibrahim.
Inihalimbawa rin ni Ibrahim si dating Pangulong Ferdinand Marcos na ilang dekada nanungkulan sa gobyerno bago ito naging pangulo ng Pilipinas kungsaan nagawa nito maging number 2 ang bansa pagdating sa ekonomiya.
Si Domagoso, itinutulak din na tumakbong presidente ng netizens na sumusuporta sa kanya dahil sa magandang nagawa nito sa Maynila at mataas na rating sa mga survey sa pagkapangulo at ikalawang pangulo.
Ilang campaign materials narin ang lumabas sa social media tulad ng tandem nila ni Senador Ping Lacson.
Ngunit sa kanyang pananaw, sinabi ng alkalde, na marami pang problema sa Maynila na kailangang ayusin kaya ang pagtakbo bilang Pangulo wala pa sa kanyang isipan.
Lahat naman aniya may pangarap na tumaas ang posisyon, ngunit darating din ang tamang panahon para dito. (Jocelyn Domenden)
The post Isko, dapat ituloy ang nasimulan sa Maynila bago mag-Presidente appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: