Facebook

‘Katiwala’ ni Isnilon Hapilon napatay ng mga pulis sa Zamboanga

PATAY sa ikinasang operasyon ng pulisya ang trusted aide ng napatay na ASG leader na si Isnilon Hapilon sa Zamboanga City nitong Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na bandido na si Arrasid Adking Halissam alias Guru Ara.
Ayon kay PNP PRO-9 regional director BGen. Ronnie Ylagan, ikinasa ang operasyon nang makumpirma ang presensiya ni Halissam na nagtatago sa siyudad.
Sa ulat, 3:00 ng umaga nang ikasa ang operasyon sa pangunguna ng PNP Intelligence Group, Regional Intelligence Group, para isilbi ang warrant of arrest laban kay Halissam sa kasong paglabag sa RA 9516, Illegal possession of firearms and explosives.
Ayon sa report, sa halip na isuko ang sarili, nakipagputukan ang suspek sa mga operatiba gamit ang kalibre .45 pistola.
Nabatid na balak ng teroristang Abu Sayyaf na magsagawa ng pag-atake sa Zamboanga Peninsula region at BASULTA areas bilang paghihiganti sa pagpatay kay ASG sub-leader Mundi Sawadjaan.
Ayon naman kay PNP-Intelligence Group Acting Director, Col. Warren De Leon, si Guru Ara ay kabilang sa 2018 Periodic Status Report on Local Terrorists Group na tinukoy na dating miyembro ng Ajijul Group o Zamboanga cell ASG.
Ang napatay na terorista ay trusted man ng napatay na international terrorist, ISIS-ASG leader Isnilon Hapilon, at siyang facilitator ng International terrorist na si Zlkifli Bin Hir alias Marwan na napatay noon ng fallen SAF 44.

The post ‘Katiwala’ ni Isnilon Hapilon napatay ng mga pulis sa Zamboanga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Katiwala’ ni Isnilon Hapilon napatay ng mga pulis sa Zamboanga ‘Katiwala’ ni Isnilon Hapilon napatay ng mga pulis sa Zamboanga Reviewed by misfitgympal on Pebrero 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.