Wag magtaka kung mataas ang opinion rating ng mga diktador at abusadong lider. Sina Hitler, Mussolini, Stalin, Mao Zedong, etc. matataas ang rating, kasi may pananakot. Di ganyan din sa atin. Papano ka magsasalita ng tunay mong damdamin kung nag-aalala ka? Baka ikaw ang pag-initan! Panahon ng hysteria, Reign of Terror, pagkalito, panic. Saan ka pa pupunta, eh sa otoridad na abusado. Gusto nila pumabor sa kanila. Panahon ng takutan dapat pabor ka sa kanila. Laging sila bida, kaya mataas ang rating. Nakalimutan na ba natin ang demokrasya, Bil of Rights, soberanya, ekononic progress. Dito tayo. – Juan Matyag
Mag-anak na tulak sa Brgy 570, Manila
Report ko po ang tulak dito sa amin araw araw nagbebenta ng shabu sa apartment nila dito po ss Brgy 570 zone 56, Sampaloc, Mla 4thl district. Mag-anak po ang tulak dito, sila ‘Peng at ‘Kong. Pamanmanan nyo nalang… – Concerned citizen
Pumili ng tamang Presidente sa 2022
Para sa magiging presidente sa 2022, may national stature ang dapat, na hahawak sa demokrasya at konstitusyon, sapat ang talino at karanasan, may puso sa mahirap. Hindi dapat ang kamay na bakal na pananakot lang naman, pero kunsintidor sa kakampi. Galit daw sa komunista, pero labs ang tsekwa. Teka, hindi na ba communist ang China? Itanong sa POGO. Hindi rin dapat local executives na magaling daw, dahil darling of the press, overrated lang. Puro one-liner lang alam, de numero kilos. Sapat na ba yon? Ang babaw naman. – Juan Matyag
The post Kaya mataas ang rating ng mga diktador… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: