MATIBAY ang koalisyon na nagdala kay Rodrigo Duterte sa Malacanang noong 2016. Nagsama-sama ang mga malalaking pamilyang pulitikal, Marcos, Arroyo, at Villar, sa suporta kay Duterte. Sumama sa suporta ang mga malalaki at aktibong lapiang pulitikal – PDP-Laban, Nacionalista Party, Lakas-NUCD, Nationalist People’s Coalition, at iba pa.
Nanganganib ngayon na mawasak ang koalisyon dahil hindi sila nagkakasundo kung sino ang isasabak sa 2022. May kanya-kanyang kandidato sa 2022. Mukhang kanya-kanyang biyahe sila sa 2022; hindi sila kasing lakas noong 2016 upang talunin si Mar Roxas.
Lumulutang ang iba’t ibang pangalan sa panguluhan. May mga lumutang na pangalan para sa pangalawang pangulo. Maaaring bumaba ang ilang umaasinta na maging pangulo at pumayag na tumakbo sa pangalawang pangulo. Sa maikli, para silang susi sa kaha de yero; iba’t ibang kombinasyon upang mabuksan.
Mula sa naghaharing koalisyon, lumutang ang mga pangalan nina Bongbong Marcos, Manny Pacquiao, Sara Duterte, at Bong Go. Hindi namin alam kung anong kuwalipikasyon mayroon sila at pawang malalakas ang loob na tumakbo. Hindi sila kagalingan; walang katangian upang ituring na mga seryosong kandidato sa 2022 . Hindi malaman kung mapapatakbo nila ng maayos ang Filipinas.
Lumulutang ang mga pangalan nina Dick Gordon, Ping Lacson, Bebot Alvarez, at Tito Sotto. Palutang lang naman. Hindi sigurado kung tutuloy sa laban. Mas malamang ang hindi sumubok.
Sa oposisyon, nariyan si Bise Presidente Leni Robredo at Sonny Trillanes. Kung hindi tatakbo si Robredo dahil wala siyang bilyong piso na pangkampanya, nariyan si Trillanes na nakahandang humalili sa kanya. Kahit alin sa kanila ay katanggap-tanggap. Pareho na may maningning silang record sa paglilingkod sa bayan.
Gayunpaman, matunog ang kumbinasyon na Leni – Sonny kahit parehong mula sa Bicolandia ang kanilang mga angkan. Ipinanganak at lumaki sa Metro Manila si Sonny Trillanes; sa siyudad ng Kalookan ang kanilang tahanan. Kinakatakutan siya ng mga mahihina ang ulo sa Senado.
Dahil may mga larawan na kumalat sa social media na magkasama sina Bongbong Marcos at Isko Moreno, lumutang ang kumbinasyon na Bongbong-Isko. Pareho silang galing sa Luzon. Nagkasakit si Bongbong ng Covid-19 noong nakaraang taon bagaman gumaling; matindi ang ugong na may sakit sa atay bagaman walang malinaw sa balita.
May mga balita na niluluto ang ilang kumbinasyon. Mayroon Sara-Isko; nandiyan ang Sara-Mane bagaman parehong hindi sineseryoso. May mga nag-iisip kasi na hindi tutuloy si Sara sa laban at hanggang pahaging lang si Sara. Mukhang si Bong Go ang totoong ilalahok ni Rodrigo.
Mukhang pangsubok si Sara upang masalat ang tunay na damdami ng mga tao. Ang tatakbo ay si Bong Go at napipisil ni Bong Go bilang katambal ang alinman kay Isko o Dick Gordon. Pinagtatawanan naman ang kumbinasyon ni Bong Go sapagkat sa tingin ng mga pantas sa pulitika, walang panalo si Bong Go.
Sinuman kay Sara o Bong Go ang sumabak sa 2022, tiyak na papasanin nila ang mga kasalanan ni Rodrigo sa sambayanan: katamaran sa trabaho; kabastusan at kawalang modo; kawalan ng kaalaman sa serbisyo publiko; at pagkawala ng bilyong piso sa pondo ng bayan. Isang malaking sumpa sa kanila ang lumaban sa 2022.
Iikot ang mundo ng pulitika kay Sara at Bong Go dahil sila ang may bilyones at kakampi nila ang Comelec. Kaaway ang tingin sa kanila ng Estados Unidos dahil sa paniwala na pro-China sila. Hadlang sila sa pagbabalik ng Estados Unidos sa Asya. Sila ang magiging timon ng China upang totoong mahawakan sa ilong ng Peking ang gobyernong Filipino.
Pinaniniwalaan ng gagawin ng Estados Unidos ang lahat para iparehas ang halalan sa Filipinas. Alam ng Estados Unidos na walang lakas sina Sara at Bong Go dahil isinusuka si Rodrigo sa pagiging maka-China. Sa usaping ito nakakalamang si Leni Robredo.
Hindi matunog sa publiko ang alinman kay Dick Gordon at Ping Lacson. Wala silang matibay na lapian upang sandalan sa kampanya. Pareho silang Lone Ranger sa pulitika. Mag bumabanggit kay Tito Sotto ngunit mukhang hindi siya seryoso.
Hindi malaman kung tutuloy si Bebot Alvarez ngunit may mga mungkahi na pumostura siya bilang oposisyon. Hindi malaman kung kakagatin ng publiko ang ganoong postura sapagkat naging bahagi ng naghaharing koalisyon si Alvarez.
Walang bumabanggit kay Grace Poe ngunit may mga balita na may plano siyang tumakbo silang bise presidente. May mga nagtataka kung bakit ngayon lang siya tatakbo bilang pangalawang pangulo. Kailangan siya noong 2016 ngunit inayawan niya ang maging bise presidente ni Mar Roxas dahil sa sulsol ni Chiz Escudero.
***
MALAKI pa rin ang papel ng social media sa susunod na halalan. Ngunt hindi na tulad ng dati. Hindi na makakapapel ang ilang mga pro-government blogger na walang ginawa kundi maghain ng mga huwad na balita o fake news sa sambayanan. Wala na silang ngipin.
Nandiyan na ang fact check. Ilang minuto kapag inilabas ang kanilang balita, pasisinungalingan agad ito ng mga institusyong nagsasagawa ng fact check sa mga fake news. Idedeklara kaagad ng fake news at aalisin sa newsfeed. Wala na silang silbi.
***
QUOTE UNQUOTE: “At the height of student activism in the early 70s, Nilo Tayag was a radical activist who wanted to pursue social change through armed struggle while Edgar Jopson was a moderate activist who wanted to pursue social change through peaceful means. The group of Tayag treated the group of Jopson with scorn calling them ‘burgis.’ Later on especially when Marcos installed himself as dictator by declaring martial law, Tayag was co-opted by Marcos and became the propagandist of his so-called New Society. Tayag’s sell-out to Marcos had earned him the name ‘Nilo Payag.’ On the other hand, the once derided Jopson was radicalized. He joined the underground movement, the CPP-NPA, and was killed by Marcos military in Davao del Sur in the 1980s. So between Tayag and Jopson, it was the latter who stood by his principles and ideals until the very end for what he steadfastly believed was good for his country. So it is very clear who between the two is the real Filipino patriot.” – Sahid Sinsuat Glang, netizen at retiradong sugo
“Those who support Duterte see themselves in him. If given the chance they too will rape a dead woman and rob widows and orphans.” – Roly Eclevia, journalist at netizen
“The ‘NO-EL’ scenario is raised in every post-Marcos elections. It never happened; it won’t happen. Ignore it. It has no basis.” – Archie Mendoza, netizen
The post Kombinasyon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: