MAKIKIALAM ang China sa halalan ng Filipinas sa 2022. Gagawa sila ng paraan upang manalo ang kanilang bata – ang kandidato ni Rodrigo Duterte. Kung hindi makuha sa santong dasalan, o halalan, kukunin nila sa santong paspasan – marahas na kudeta.
Hindi namin alam kung batid ng China ang background ng dalawang tao na magpapatakbo ng mga mahalagang polisiya panlabas ng Estados Unidos – Antony Blinken ng State Department at Lloyd Austin ng Defense Department. Pareho silang militarista; sila ang mga hindi matatakot at mangingimi na gamitin ang digmaan upang idiin ang polisiya ng Estados Unidos.
Isang militarista si Pangulong Joe Biden; senador siya bago naging bise presidente ni Barack Obama. Umikot sa mundo si Biden. Alam kung kailan, paano, at bakit gagamitin ng Estados Unidos ang digmaan bilang kasangkapan upang idikta ang kaayusan ng mundo.
Mas mahirap na si Biden ang nasa timon ng kapangyarihan. Kahit matanda siya kay Obama, buo ang loob ni Biden. Sinabi ni Obama sa kanyang aklat na sa kanyang administrasyon, hindi natakot si Biden na sabihin ang kanyang saloobin kahit kontra ito sa opinyon ng marami. Mahirap matibag si Biden; hindi siya ordinaryo, ani Obama.
Sa maikli, salat at alam ni Biden ang kahihitnan ng pagbabalik ng Estados Unidos sa Asya. Kilala niya kung anong uri ng lider si Xi Jan ping ng Asya. Alam niya na basura si Rodrigo Duterte. Isinusuka sa sariling bayan. Hindi matibay ang tambalan ni Xi at Duterte at alam niya ang relasyon ng isang amo at aso.
***
LUMILINAW ang mga panukala na pangunahan ni Bise Presidente Leni Robredo ang demokratikong puwersa ng bansa, o oposisyon, sa 2022. Bantulot siya na manguna dahil sa laki ng gastos sa kampanya. Bukod diyan, kontrolado ni Duterte ang Comelec.
Ngunit nagbago ng administrasyong Biden at sa China itinutok ang foreign policy. Hindi dehado ang puwersang demokratiko sa puwersa ng awtoryanismo ng pinangunguhan ni Duterte. Sa pakiramdam ng mga kabilang sa demokratikong puwersa, maganda ang laban. Kahit ang Bise Preidente ay lumakas ang loob na lumaban.
Lumilinaw ang puwersang demokratiko kung sino ang running mate ng Bise Presidente. Pinapaboran nila si Sonny Trillanes, ang dating senador ng gumawa ng pangalan dahil sa mariing pagtutol niya kay Duterte, grupong Davao, and ilang abusado sa poder tulad ni Dick Gordon, Alan Peter Cayetano, GMA, at iba pa.
Mas gusto namin na bumalik sa Senado si Sonny Trillanes at harapin ang mga gago at bobong senador doon. Tingnan natin kung ano ang ibubuga ni Bato dela Rosa at Bong Go. Maliban sa toto-todong dayaan, hindi matatalo si Sonny Trillanes sa 2022. Kumuha siya ng halos 11 milyon noong 2007 at mahigit sa 14 milyon na boto noong 2013. Hindi kami magtaka kung kumuha siya ng mahigit 20 milyon sa 2022.
Hindi natin alam kung sino ang mga plano na tumakbo sa pangalawang pangulo. Humugong na tatakbo si Grace Poe, ang palalong mambabatas na humati sa boto ng demokratikong puwersa noong 2016. Hindi na siya nakapagpanggap ngayon. Bistado na siya.
***
MAY mga katanungan kung bakit nagsalita na si Pangulong Joe Biden sa mga kaso nina Alexei Navalny ng Rusya at Aung San Suu Kyi na Myanmar at hindi kay Leila de Lima. Hiningi ni Biden kay Vladimir Putin, pangulo ng Rusya, ang madaling pagpapalaya kay Navalny, kritiko ni Putin. Ganoon rin ang sinabi ni Biden kay Aung.
Mayroon Philippine Desk sa State Department. Malakas na sangay ito ng State Department. Binubuo ito ng mga eksperto sa Filipinas. Sila ang nangangalap ng mga balita at impormasyon tungkol sa Filipinas. Ibinibigay nila ang ulat sa Kalihim na siyang nagpapayo sa Pangulo kung ano ang gagawin. Ngayon, walang nabuo o naisumite na ulat ang Philippines Desk sa Kalihim. Magsusumite iyan sa Kalihim at ito ang basehan ng asal at galaw ng Pangulo.
Ngayon, abala ang bagong hirang na si State Secretary Antony Blinken na harapin ang banta ng China sa Taiwan at Hong Kong. May balak lusubin ng ma Intsik ang Taiwan at totoong sisikilin ang karapatang pantao ng mga mamamayan ng Hong Kong na tumututol sa pamamalakad ng Peking. Darating si Blinken sa usapin ni de Lima. Tingnan natin ang tikas at tapang ni Duterte na alam ng buong mundo na isang tuta ng China.
***
MAY basehan ang paniniwala ni Blinken na plano ng China na maghari sa mundo. Batay sa pahayag ni Blinken sa kanyang confirmation hearing sa Senado (iniulat ito ni Bobot Fradejas, isang kolumnista), mas maraming konsulado ang China kesa sa Estados Unidos. Isa ito sa kanyang basehan kung bakit nagbago ng foreign policy ang Estados Unidos.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit dumami ang diplomat ng China sa buong mundo. Sa Filipinas, may sariling konsulado ang China sa Davao City. Maraming diplomat na Intsik na nakabase sa Davao City. Hindi palaging kausap ang pamilya ni Duterte doon. Nagmamasid ang mga ito at tinitingnan mabuti ang kanilang mga aso sa Filipinas. Protektado sila doon.
Hindi malayo na umikot ang mga diplomat na political officer din ng China. Kinakausap ang mga iba’t-ibang opisyales ng bansa kasama ang mga heneral at koronel ng Sandatahang Lakas sa maraming usapin. Tinitimpla ang posibilidad ng isang kudeta upang masiguro na bata ng China ang papalit sa sakitin na si Rodrigo Duterte sa 2022.
Tinitingnan ang saloobin ng sambayanang Filipino kung si Sara o Bong Go, o sinuman na walang buto at paninindigan ang papalit kay Duterte. Alam kasi ng China na mabaho si Duterte. Ngunit kailangan nila ang Filipinas para sa kanilang interes lalo na ngayon at nag-iba ang foreign policy ng Estados Unidos.
***
QUOTE UNQUOTE: “Kailan nangyari, ang nagtatanggol sa ancestral land, terorista? Kailan nangyari, ang journalist na nagbabalita, tinawag na terorista? Kailan nangyari na ang labor leader na nagtatanggol sa karapatan ng mga manggagawa, terorista? Lahat ito nangyayari dahil sa Anti-Terror Law.” – Ellen Sicat, netizen
“A CHINA-sponsored military intervention could happen in the Philippines if Rodrigo Duterte’s favored successor is threatened with political extinction on or before 2022 presidential elections. Whatever… it’s best that we fight for our democracy. We did it before, as we collectively toppled the infamous Marcos dictatorship. We’re not new to military coups, civil disobedience, or whichever. We’ve given the world the template for peaceful uprising. We should not be afraid to do it again. We should reject the Inferior Davao criminal syndicate. They have not given up purposeful leadership …” – PL, netizen
The post Laban, Leni appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: