Facebook

Nasaan na tayo sa pagba-bakuna?

NOONG una, natalakay natin ang tanong na, kung tayo ba’y magpapabakuna o hindi na? Ngayon ang tanong naman nating dapat sagutin ay nasaan na ba tayo kung ang usapan ay pagba-bakuna.

Naihayag na kasi ng ating pamahalaan ang plano nitong maka-angkat man lamang ng 148 milyong ‘doses’ ng bakuna na panglaban sa virus na COVID-19. Ito raw ay para maturukan man lang ang kalahati ng bilang ng ating populasyon na tinatayang nasa 70 milyong Filipino.

Sangdamakmak nga namang bilang yan. At sangdamakmak ding salapi ang kailangan sa pag-angkat ng bakuna na ngayon ay sari-sari na rin ang ‘brand’ gawa nang maraming mayayamang bansa ang naghangad at sumaliksik sa pag-gawa ng bakuna para maipang-laban sa virus na nakamamatay.

Himayin muna natin ang diskarte ng administrasyong Duterte upang magkaliwanagan tayo. At tutukan natin ang mga naipahayag na ni Secretary Carlito Galvez Jr., na siyang tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinaka hepe ng pagba-bakuna o vaccine czar kung tawagin.

Sa pahayag ni Sec. Galvez, sa kasalukuyan ay naka-pagsarado na sila ng usapan sa mga gumagawa o manufacturer ng bakuna gaya ng AstraZeneca Plc, Novavax Inc., Moderna, Johnson & Johnson, Sinovac Biotech Ltd., at Gamaleya Reasearch Institute.

Ang bakunang galing sa China na gawa ng Sinovac ay parating na raw sa buwan ng Pebrero. 20 milyong doses naman ang manggagaling sa Moderna at 30 milyon naman sa Novovax at 17 milyon sa AstraZeneca. Ang manggagaling naman sa sikat na Pfizer ay under-negotiation pa.

Handa na rin daw ang pagiimbakan ng mga bakuna na mga malalaking freezer at refrigerators na malalapit sa mga gagawing lugar ng pagbabakuna.

Ang unang darating na bakuna galing Sinovac mula China sa ating mga nakalap na impormasyon ay libre. Kalahating milyong (500,000) doses ay lalabas na donation, dahil nga sa mainam na pakiki-pagrelasyon ng ating bansa sa Tsina.

Ang halaga nito kung tutuusin ay 800 Yuan (pera ng China) kada doses o katumbas ng P5,800 kung sa mga pribadong hospital ito makukuha. Sa Malaysia naman ay mas mura ito sa halagang $30 o P1,500 lang. Sa atin libre agad ang kalahating milyong doses, at pwede pang pag-usapan ang presyo kung tayo ay bibili pa.

Sa madaling sabi, naka-kasa na ang lahat para mabigyan proteksiyon ang karamihan sa atin at magtuloy-tuloy na tayo sa mga pang-araw-araw nating gawain para may ikabubuhay, dahil may taglay na tayong pananggalang sa virus na nakamamatay.

Mas mabuting magpa-lista na tayo upang mabakunahan dahil ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito na maproteksiyunan ang kaniyang mga mamayan nang walang hinuhugot na pera sa sarili nilang bulsa para lamang makapag-pabakuna.

The post Nasaan na tayo sa pagba-bakuna? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nasaan na tayo sa pagba-bakuna? Nasaan na tayo sa pagba-bakuna? Reviewed by misfitgympal on Pebrero 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.