Facebook

P100K SA 259 BGY NA ZERO COVID, BIGAY NI ISKO AT HONEY

MAY kabuuang 259 barangay sa Maynila ang pinarangalan at pinagkalooban ng P100K bawat isa nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna dahil sa pagiging COVID-free sa loob ng dalawang buwan.

Ayon kay Moreno, sa nasabing bilang ay 33 ang ‘grandslammers’ na nangangahulugan na COVID-free sa loob ng apat na buwan.

“This means that being COVID-free is doable and replicable,” ayon kay Moreno kasabay ng kanyang pasasalamat sa mga barangay na nagawang panatilihin ang mababang bilang ng kaso ng covid sa kanilang lugar.

Ang mga pagsisikap ng mga pinarangalang barangay ay binigyan ng insentibo nina Moreno at Lacuna kung kaya’t tumanggap ang mga ito ng P100K bawat isa dahil sa naitalang zero COVID sa dalawang sunod na buwan.

” I am happy for these barangays. Una, dahil safe sila at pangalawa dahil may chape (money) sila. They can use the money for the needs of the barangay like food, PPEs,” pahayag ng alkalde.

Samantala ay sinabi ng alkalde na ang 2021 budget ng lungsod ay nakatuon upang tugunan ang suliranin sa gutom at trabaho.

”Lahat tayo may sikmura. Mahirap, midde class, mayaman. Ang kalsada wala. Kaya marami tayong isinakripisyong kalsada para ma-address ang needs ng mga tao,” sabi ni Moreno.

Tiwala naman ang alkalde na darating ang bakuna ng mas maaga sa itinakdang pertsa.

Patuloy din ang isinasagawang simulation exercises para sa vaccination program ng pamahalaang lungsod upang matiyak ang mabilis na daloy ng proseso ng pagbabakuna,sakaling dumating na ang mga bakuna. (ANDI GARCIA)

The post P100K SA 259 BGY NA ZERO COVID, BIGAY NI ISKO AT HONEY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P100K SA 259 BGY NA ZERO COVID, BIGAY NI ISKO AT HONEY P100K SA 259 BGY NA ZERO COVID, BIGAY NI ISKO AT HONEY Reviewed by misfitgympal on Pebrero 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.