KALABOSO ang isang pekeng pastor nang ireklamo ng pangongotong sa mga aplikante sa pagkapulis sa entrapment operation sa Calbayog City, Samar nitong Biyernes.
Kinilala ang inaresto na si Paolo Mendoza, 36 anyos, ng Midsalip, Zamboanga del Sur na nakasuot pa ng jacket na may tatak na Malacañang nang madakip.
Sa report, 4:45 ng hapon ng Biyernes nang isagawa ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) ang entrapment operation laban kay Mendoza sa Bay Park Hotel sa Barangay Capoocan, Calbayog.
Sa reklamo, nagpapanggap na miyembro ng clergy si Mendoza at nanghihingi ng pera sa mga aplikante sa pagkapulis kapalit ng mabilis umanong pagproseso sa kanilang dokumento.
Kabilang sa mga nagreklamo sina Jhon Mico Amparado, 23; at Rodel Santelices, 25; kapwa PNP recruit applicants ng Calbayog City Police.
Nagpakilala umanong pastor si Mendoza at hiningian ang mga aplikante ng malaking halaga. Humirit pa si Mendoza ng karagdagang P20,000 kada aplikante dahil bibisita umano si PNP Chief Debold Sinas sa Calbayog City Police at dahil dito’y mapapabilis na aniya ang pagpoproseso ng kanilang mga dokumento para maging ganap na miyembro ng PNP.
“Apparently, the suspect used my official visit to Calbayog City to further con the victims,” pahayag ni Sinas.
(Gaynor Bonilla)
The post Pekeng pastor nanloloko ng mga aplikante ng PNP huli sa entrapment appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: