PLANO magsampa ng kaso ng alkalde ng Goa, Camarines Sur laban sa Provincial Sagip-Kalikasan Task force nang pagbintangan ito sa nangyaring sunog sa sub-barracks ng ahensya sa Naga City.
Ayon kay Goa Mayor Marcel Pan, matapos ang nangyaring sunog ini-report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Goa na posibleng inside job lamang ang insidente.
Ayon kay Pan, matapos ang insidente ilang nagpakilalang empleyado ng Sagip-Kalikasan Task force ang kahina-hinalang nagtunggo sa mayor’s office upang humingi ng report, nguni’t nang ito’y hanapan ng ID ay umalis ang mga ito.
Maliban dito, pinagbintangan rin umano ang alkalde na binantaan ang mga empleyado ng ahensya na ipapa-massacre.
Mariin itong itinanggi ni Pan, sinabing handa silang idaan sa legal na paraan ang nasabing mga akusasyon.
Binigyang-diin ni Pan na maaring ibang tao ang gumawa ng nasabing sunog. Dahil kung mapapansin, lagi aniyang may bantay sa nasabing outpost, ngunit nang mangyari ang sunog ay wala itong bantay dahil umalis ang mga tao rito.
Matatandaan na nagkasunog sa isang sub-barracks ng Provincial Sagip-Kalikasan Task force sa Zone 2, Brgy Tagongtong, Goa.
Tinitingnang politika ang ugat at motibo ng sunog.
The post Mayor pinagbintangan pinasunog ang barracks ng Sagip Kalikasan sa CamSur appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: