Facebook

PASLIT INAGAWAN NG CELFONE, PINATAY, ISINAKO!

ARESTADO ang magkapatid na kambal sa pagpatay sa 4-anyos batang lalaki sa San Fernando, Pampanga noong Martes.
Ayon sa ulat, naiwan ang batang lalaki nang mag-igib ng tubig ang kanyang ina at iniwan sa bata ang cellphone. Nang balikan ang bata sa lugar nila sa Northville 14, wala na ito.
Natagpuan ng pamilya ang bata Miyerkules ng gabi pero wala na itong buhay. Isinilid ang biktima sa ecobag at itinapon sa talahiban. Natagpuan ito sa tulong ng isang tricycle driver.
“Meron kasing isang tricycle driver na nakakita. Siya ‘yung nagturo doon sa magulang, na nung Feb. 16 pa nawawala itong bata, ni-report nga na nawawala. So nung nalaman nito ng tricycle driver, siya ‘yung nagsabi sa mga magulang na may nakita siya na dala-dala nitong kambal na ito na plastic bag tapos dinala dun sa damuhan tapos dun daw itinapon,” ani Police Lt. Col. Soledad Elefanio ng Police Regional Office 3 Public Information Office.
Itinuro ng tricycle driver ang kambal na sina John Mark at John Kevin Salonga, 18, na sumakay sa kanya na mga kapitbahay ng biktima.
“Merong hot pursuit operation dahil dun sa witness na nakakita sa kanila na nagturo sa kanila,” sabi ni Col. Elefanio.
Inamin umano ng kambal na nangangailangan sila ng pera kaya napagdiskitahan nila ang hawak na cellphone ng bata.
“Parang inano nila ng towel yung bata, pero wala pa akong nakukuhang official result ng death certificate ng bata,” anang opisyal.
Gagamitin umano ng salarin para sa “audition” ang pera na makukuha mula sa cellphone.
Nakakulong na sa San Fernando City Police Station ang mga salarin.

The post PASLIT INAGAWAN NG CELFONE, PINATAY, ISINAKO! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PASLIT INAGAWAN NG CELFONE, PINATAY, ISINAKO! PASLIT INAGAWAN NG CELFONE, PINATAY, ISINAKO! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.