SANTIAGO CITY – Nasawi ang isang policewoman at sugatan ang apat na kasama nito nang bumangga ang sinasakyan nilang patrol car ng City Mobile Force Company (CMFC) sa national highway bahagi ng Barangay Sinsayon dito sa lungsod.
Bumangga ang patrol car sa kongkretong bakod sa harapan ng Villa Ceferina Subdivision sa Bgy. Sinsayon nang pumutok ang kaliwang gulong ng sasakyan at mawalan ito ng kontrol.
Ang Toyota Hilux na patrol car ay minaneho ni Corporal Berna Austria at sakay sina Patrolman Archelle Duldulao, Patrolman Pauline Carlos, Corporal Kacelyn Tarayao at Patrolman Riza Mae Laureta.
Nang mawalan ng kontrol ang patrol car ay umagaw ito ng linya at nahagip ang isang Brown Isuzu MUX na minaneho ng isang Liza Santos Pua ng Callao Alicia na patungong centro ng Santiago City.
Ito ay at sinusundan ng nahagip ding black honda TMX 155 tricycle na minaneho naman ni John Ednard Realin Molina ng Turod Sur, Cordon, Isabela; at ng black Honda single motorcycle na minaneho ni Ivan Ray Catolico Sal ng Turod Sur, Cordon at angkas si Aubrey Viundo Labog ng Laurel Centro Norte, Cordon.
Nasawi si Patrolman Duldulao nang masagasaan siya nang mahulog sa police car, habang isinugod sa ospital ang mga nasugatang sakay ng patrol car at tsuper ng tricycle.
Ang CMFC na nakabase sa Santiago ang kauna-unahang All-women Mobile Force Company sa Region 2. – REY VELASCO
The post POLICEWOMAN PATAY, 5 SUGATAN SA BUMANGGANG PATROL CAR appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
POLICEWOMAN PATAY, 5 SUGATAN SA BUMANGGANG PATROL CAR
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 21, 2021
Rating:
Walang komento: