Facebook

Posible ang Robredo vs Bong Go sa 2022

BAGAMA’T wala pang nagdedeklara ng kanilang kandidatura para sa 2022 Presidential derby, nababasa naman sa galaw ng mga politiko kung sinu-sino ang nagbabalak pamunuan ang mahigit 110 milyong Pinoy pagkatapos ng termino ni Rodigo Duterte bilang Pangulo ng Pi-lipinas 17 months mula ngayon.

Ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ay sa dara-ting nang Oktubre, walong buwan mula ngayon. Napakaiksi na nito para sa pagbuo ng tiket para sa national position. Pero wala pa tayong naririnig sa mga tatakbong presidente, bise at senador.

Gayunpaman, ramdam na ramdam natin ang mga galaw nina Vice President Leni Robredo at Senador Bong Go, kung totoo nga si Sara Duterte-Carpio na hindi siya inte-resado sa panguluhan.

Si Robredo ay siyento porsiyentong ibabandera ng oposisyon, wala nang iba. Ang problema ay wala raw itong pondo kaya hindi pa makapagdeklara, pero tuluy-tuloy naman ang kanyang pag-iikot at paghahatid ng mga ayuda sa mga nasasalanta ng kalamidad sa tulong ng private sectors.

Si Bong Go naman ay walang patid sa pamimigay ng tulong pinansiyal man o goods sa mga nasasalanta rin ng kalamidad partikular sa mga nasunugan. Minsan nga ay biniro siya ni Pangulong Duterte na baka itong si Bong Go ang nagpasunog dahil wala pa ang sunog ay nandun na ang Senador. Hehehe…

Si Bong Go ang tapat na katiwala ni Pangulong Duterte simula pa mayor ng Davao City ang huli. Kahit ngayong senador na si Bong Go ay siya parin ang “kanang kamay” ni Duterte.

Si Bong ay pumangatlo sa senatorial race noong 2019, sumunod kina Sen. Cynthia Villar at Sen. Grace Poe. Dinala siya ng mataas na popularidad ni Pangulong Duterte.

Kung kumasa man sa pagkapangulo at matalo si Bong Go, balik lang siya sa pagka-Senador dahil may 3 years pa siya sa kanyang termino.

Pero tiyak hindi papayag si Duterte na matatalo si Bong Go kung ito nga ang ikakasa niya laban kay Robredo.

Gayunpaman, nasa mga botante parin ang pagpapasya kung sino ang susunod na Pangulo ng Pilipinas. Kung gusto pa ng nakararaming Pinoy si Duterte, mananalo si Bong Go. Pero kung ayaw na kay Duterte, mananalo si Robredo. Mismo!

Bago yan, kailangan munang magdeklara at magsumite ng CoC sila Robredo at Bong Go at iba pang nagnanais pamunuan ang bansang Pilipinas pagkatapos ni Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Ang iba pang nagpaparamdam para tumakbong Pangulo ay sina Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson, Sen. Tito Sotto, Sen. Cynthia Villar, Sen. Grace Poe, ex-Sen. Bongbong Marcos at negosyanteng pilantropo na si Ramon S. Ang (RSA).

Of course ang iba sa kanila ay maaring piliin na maging Bise nalang ninuman sa mas malakas na kandidato sa pagka-presidente. Mismo!

***

Kahiya-hiya na talaga ang kasalukyang gobyernong Pilipinas sa pag-handle sa problema sa Covid-19. Mantakin nyo, ilang bilyon na ang inutang ng gobyerno para labanan ang pagkalat ng virus ay bumagsak parin ang Pilipinas sa pang-79 out of 98 countries na dinapuan ng Covid-19.

Walang wala ang Pilipinas sa karatig bansa na Vietnam, Thailand, Laos, Taiwan, Indonesia, Malaysia, Singapore.

No. 1 lang ang Pilipinas sa fake news! Yawa!!!

The post Posible ang Robredo vs Bong Go sa 2022 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Posible ang Robredo vs Bong Go sa 2022 Posible ang Robredo vs Bong Go sa 2022 Reviewed by misfitgympal on Pebrero 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.