SINUNOG nalang ng sariling ama ang namatay na anak dahil umano sa kahirapan at upang hindi na maabala pa sa burol kaya niya ito nagawa sa Sitio Sinaka, Barangay Anticala, Butuan City.
Ang sinunog na bangkay ay kinilalang si Romie Pidor Casipong, 24-anyos, single, baker, nakatira sa Purok-6, Sitio Sinaka; at ang ama na sumunog ay kinilalang si Rolando Canlom Casipong, 63.
Nagtungo sa Butuan City Police Station-4 (Ampayon) 4:30 ng hapon ang mga kapatid ng namatay na sina Mae Pidor Casipong-Iligan, 26, nakatira sa P-6, Kolambugan, Sibagat, Agusan Del Sur; at Crislen Pidor Casipong, 13, nakatira sa P-6, Sitio Sinaka, upang magsumbong sa pulis na sinunog ng kanilang ama ang bangkay ng kanilang kapatid.
Ayon sa magkapatid, namatay si Romie sanhi ng karamdaman noong Enero 16, 2021 bandang 2:30 ng madaling araw. Tapos sinunog ito ng kanilang ama na tinulungan pa ng kanilang inang may kapansanan – person with disability (PWD), saka inilibing sa likod ng kanilang bahay.
Sa imbistigasyon ng pulisya , inamin ng ama ang pagsunog sa bangkay ng anak dahil umano sa kahirapan at walang panggastos sa burol.
“Madaling araw namatay ang aking anak dahil sa kahirapan. Wala tayong pera panggastos sa libing sa inyong kapatid. Pangalawa, malayo ang kanilang tinitirhan. Ang kasama ko lang ang aking asawa na may kapansanan, ang isang anak na may kapansanan din. Nagtanong ako sa anak ko na sunugin nalang namin ang bangkay,” pahayag ng ama.
Ayon sa pulisya, nagsadya uli ang apat na magkapatid sa Butuan City Police Station-4 at napagdesisyunan na lamang nila na hindi na magsampa ng kaso laban sa ama.
The post Dahil sa kahirapan… Daddy walang panggastos sa burol ng anak, bangkay sinunog! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Dahil sa kahirapan… Daddy walang panggastos sa burol ng anak, bangkay sinunog!
Reviewed by misfitgympal
on
Pebrero 01, 2021
Rating:
Walang komento: