PANGARAP ng kauna-unahang Pilipino na naging youth Olympian na si Jan Mari Nayre ang. makapaglaro at katawanin ang bansa sa Olimpiyada partikular sa parating na Tokyo Olympics sa Hulyo 2021.
Pero bago matupad ang ambisyon ay kailangang dumaan siya sa matinding pagsubok tampok ang dadaanan niyang qualifying competitions na lalahukan din ng mga mahuhusay na table tennis hopefuls sa buong kontinente.
Ayon kay Philippine Table Tennis Federation( PTTF) president Ting Ledesma, puspusan ang ginagawang pagsasanay ni Nayre sa kanyang balwarte maging noong kasagsagan ng pandemya kung saan ang kanyang ensayo ay alinsunod sa alituntuning health protocol ng Inter -AgencyTask Force in fighting Covid-19 pandemic.
Sa napipintong pagluwag ng IATF sa sports partikular sa mga Pinoy Olympics hopeful ay lalong nagiging komprehensbo ang paghahanda ni Jan ( Nayre) para sa Asia at World Table Tennis Qualifying – Doha , Qatar sa darating na buwan ng Marso,” wika ni Ledesma- dating national table tennis athlete noong kanyang prime.
Optimistiko tayong malulusutan ni Jan ang pagsubok sa qualifying upang siyang maging susunod na Pinoy Olympian, nauna si lady pingponger ( late) Ian Larriba .”
Si Nayre ang pinakabatang Pinoy na nag-qualify sa prestihiyosong Buenos Aires Youth Olympics noong 2018.(Danny Simon)
The post PANGARAP NA TOKYO OLYMPICS SLOT SISIKAPING MANGYARI NI NAYRE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: