NAKU hindi ang prangkisa ng Alaska yan kasi slogan nila ay “walang tatalo sa Alaska”.
Kaso meron pa lang ang sigaw ay “wala kaming tatalunin.” Para sa kanila negosyo lang itong paglahok sa PBA.
Exposure sa media lang habol at kumita sa pag-trade ng mga mahuhusay na player na nasusungkit nila sa Rookie Draft.
Komo ayaw nga nila talagang manalo ay kulelat sila madalas. Una naman sila sa pilian ng mga baguhang basketbolista.
Dito ngayon aalukin at sisilawin ng kwarta o pabor ng higanteng kumpanya ng palitan ng cager. Kaso hindi parehas at lamang na lamang ang mayaman na nais naman ay parating kampeon o kaya laging malakas ang koponan.
May opisina naman ng Commissioner ngunit mahina ang kapangyarihan lalo na pag-involved sa usapan mga hebigat na team o grupo nito.
Noon si Christian Standhardinger napunta sa isang super-team dahil sa manipulasyon ng maperang pangkat.
Ngayon may niluto na naman na one-sided trade ang parehong koponan. Mawawala ang dating Rookie of the Year at franchise player kahalili lang 3 bench warmers. Aro Dios ko! Grabe!
Yan talaga problema sa liga. May 2 pangkat na mega ang budget at ibig siyempre manalo. Kailangan may ngipin ang Commissioner’s office upang pangalagaan ang kapakanan ng buong PBA at hindi lang ng iilan.
Panay sila na lang magwawagi ng mga titulo niyan. Wala ng pag-asa ang iba. Walang kwenta na ang labanan.
Tutal ginaya lang naman nila ang NBA eh bakit hindi nila gawin may super-power gaya ni Adam Silver si Kume Willie Marcial?
Aber paki sagot nga?
***
Banas si Pepeng Kirat sa isang retiradong manlalaro. Mangyari tutulong nga sa isang may sakit na kasamahan sa PBA noong araw pero hinaluan pa ng pulitika. Kasi ba naman ay nag-fist sign ang dalawa sa isang larawan na inilabas ng isang sports news website.
Ano ibig sabihin ni ex-player A? Dapat kapanalig ka muna bago ang ayuda kay ex-player B? Anong klaseng malasakit yan?
Dati nasita raw si Pepe nang nagkomento siya sa post ni ex-player A na may pasaring sa pamahalaan. Sinagot daw siya na wala dapat kulay pulitika sa sports.
Eh bakit siya ganoon ngayon. Hehe. Sayang daw at hanga siya sa shooting prowess ng basketeer kaso maling-mali ang pananaw sa matino at mahusay na paglilingkod. Ang dami na nga naman nagising sa katotohanan pero siya natutulog pa sa Fantasyland.
The post Nasa PBA para matalo? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: