ISANG barangay chairman ang biglang nagbitiw sa tungkulin, na umani ng iba’t ibang espekulasyon sa mga kasamahang opisyal sa Guiguinto, Bulacan.
Epektibo nitong Linggo, nagbitiw si Ed Silva bilang chairman ng Brgy. Poblacion, Guiguinto, sa pamamagitan ng inihain nitong resignation letter kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. at copy furnished sa Department of Interior and Local Government (DILG-Guiguinto) noong Enero 23, 2021.
Nagulat at nagtaka ang ibang barangay officials sa biglaang pagbibitiw ni Silva. Umugong na posibleng may kinalaman ito sa “graft and corruption”.
Gayunman, nilinaw ni Guiguinto Vice Mayor Eliseo Santos Jr. na kailangang tutukan ni Silva ang kanyang mga negosyo, lalo na ang trucking nito na matagal na niyang napabayaan. Aniya, tanging ang pagbibitiw lamang ni Silva sa tungkulin bilang tserman ang makakasalba sa mga negosyo nito.
Hahalili bilang Brgy. Captain ang numero unong kagawad na si Manny Bernardo simula ngayong araw matapos na makapanumpa kay Mayor Boy Cruz. (James de Jesus)
The post Brgy. chairman sa Bulacan, nagbitiw appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: