Facebook

Resbak ng European Union (EU) sa Duterte gov’t.

MALUNGKOT na ibinalita ni Pangulong Rody “Digong” Duterte sa kanyang lingguhang public address Lunes ng gabi na “hostage” na ng European Union (EU) ang Covid vaccine na AstraZeneca.

Para lang daw kasi sa 24 bansa na miyembro ng EU ang pino-produce nilang 400 million doses ng AztraZeneca.

Ang Pilipinas ay hindi miembro ng EU. Ibig sabihin ay naetsa-puera na tayo sa mura at dekalidad sanang bakuna na ito na nagkakahalaga lang ng P610 per dose.

Paano kasi… pinagmumura noon ni Digong ang EU. Kaya yan “iyot” na tayo sa EU.

Sabi naman ni vaccine zcar Carlito Galvez Jr., ngayong 2nd week ng Pebrero ay susubukan nilang magkaroon ng supply agreements sa covid manufacturers kabilang na ang dalawang nalalabing kontrata.

Sinabi ni Galvez na pumirma sila ng kasunduan sa pitong manufacturers, at inaasahang makakakuha ng 146 hanggang 148 million doses, kabilang na rito ng 40 million doses mula sa COVAX facility.

Uunahin daw na tuturukan ang health frontliners, mga taga-hospital; sunod ang economic frontliners at uniformed personnel; at panghuli ang volumes na posible ay sa 3rd quarter ng taon pa.

Ang pambili ng bakuna… utang sa Asian Development Bank at World Bank.

Wala raw korapsyon dito dahil ang may hawak ng pera ay ang naturang mga bangko. Wish ko lang!

***

Dahil sa pandemya ng Covid-19, sinabi ni Digong na nawawalan ng P2 bilyon araw-araw ang Pilipinas.

Hindi lang naman, aniya, Pilipinas ang nagdurusa… “Nabubuhay pa naman tayo, let us hope for the best.”

Sagot ng netizens: “Mr. President, Pilipinas nalang ang nagdurusa. 11 months na tayong under quarantine. Dahil ‘yan sa kapabayaan ng iyong mga Gabinete.”

Reak n’yo, mga suki?

***

Sinisi ni Finance Sec. Carlos Dominguez ang delay ng manufacturing ng Covid vaccines.

Hindi anila mali ang pagka-delay sa pagbili ng bakuna. “We have the money, we are ready, ang delay is sa manufacturing.” Ulol!

Nandiyan na nga ang mga bakuna. Kaso hindi makabili ang Pilipinas dahil kailangan pang mangutang para ma-kabili. Ginagawa tayong tanga ng animal na ‘to!!!

***

Kung nabasura na nga ang mga order na AztraZeneca Covid-19 vaccine, ibig sabihin wala nang aasahan sa mga hinihintay na bakuna ng LGUs ngayong Pebrero, malamang ay sa 2nd or third quarter pa tayo matuturukan. At pag minalas… sa 2022 na. Aray ko!

Marami pa palang matitigok sa atin sa China virus na ito bago dumating ang bakuna. Let’s pray nalang: God save us!!! and erase the crazy in this government, now na!

***

Pinirmahan na ni Pangulong Digong ang price cap sa mga karneng baboy at manok sa loob ng 60 araw sa National Capital Region (NCR).

Umangal naman ang mga trader. Malulugi raw sila. Dahil mula palang sa mga nag-aalaga ng baboy ay nasa P190 na per kilo ang kuha nila, tapos ibibiyahe pa, bayad pa sa pagkatay. Malamang wala nang magtitinda ng baboy.

Sabi naman ng mamimili, makatitiis silang hindi mag-ulan ng baboy, ‘wag lang tumaas ang isda at mga gulay.

Hmm… konting tiis nalang mga suki, 16 months nalang!

The post Resbak ng European Union (EU) sa Duterte gov’t. appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Resbak ng European Union (EU) sa Duterte gov’t. Resbak ng European Union (EU) sa Duterte gov’t. Reviewed by misfitgympal on Pebrero 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.