Facebook

RTC sa CamSur nilooban, mga ebidensiya na shabu tinangay

TINANGAY ng (mga) magnanakaw ang mga shabu na gagamitin sanang ebidensiya sa Regional Trial Court Branch 33 sa bayan ng Pili, Camarines Sur.
Ayon kay Police Lt. Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station, nadatnan na lamang ng isang empleyado ng korte na nawawala ang kandado nito at nang pumasok ito sa loob aynakita nito ang nagkalat na mga kagamitan, indikasyon na nilooban ang korte.
Dagdag pa ni Lanuza, pinaniniwalaang natangay ang mga ebidensiya kagaya na lamang ng shabu na nasa loob ng korte.
Kinumpirma rin ni Lanuza na maliban sa nasabing opisina ng korte, pinasok rin aniya ng (mga) magnanakaw ang mga opisina ng Branch 31 at 32 ng RTC.
Samantala, isa sa tinitingnang anggulo ng mga otoridad na posibleng ang mga droga sa loob ng korte ang tunay na motibo ng pagnanakaw.
Sa ngayon, wala munang mangyayaring pagdinig sa mga kaso sa Regional Trial Court sa nasabing bayan mastapos itong ipasuspindi para bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

The post RTC sa CamSur nilooban, mga ebidensiya na shabu tinangay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
RTC sa CamSur nilooban, mga ebidensiya na shabu tinangay RTC sa CamSur nilooban, mga ebidensiya na shabu tinangay Reviewed by misfitgympal on Pebrero 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.