PINABULAANAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Debold Sinas ang bagong kinasasangkutang kontrobesya na may kinalaman umano sa tinatarget nitong P60-B savings fund sa nalalapit nitong pagreretiro sa darating na Mayo.
Sinasabi na ang mataas na posisyon ni Gen. Sinas ay magsisislbing impluwensya upang pamahalaan nito ang nakalagak na pera na gagamitin bilang savings fund ng mga tauhan ng pulisya.
Tinatayang humigit-kumulang 200,000 na pulis, kabilang na ang National Police Commission (NAPOLCOM) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang protektado ng nasabing savings fund.
Agad naman itinanggi ni Gen. Sinas na may plano siyang kunin ang P60-B savings fund, upang gamitin sa kanyang nalalapit na pagreretiro.
Ayon kay Gen. Sinas, may naninira lamang sa kanya na dating General dahil may natuklasan siyang kontrobersya at ninais niya na magkaroon ng eleksyon.(Gaynor Bonilla)
The post Sinas pinabulaanan target ang P60B savings fund appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: