KILALA natin ang buong pagkatao ni Mayor Benjie Magalong ng Baguio City.
Mula nang pumasok ito at maging bahagi ng pamosong Philippine Military Academy (PMA) hanggang ganap itong maging heneral ng pambansang kapulisan tungo sa kanyang retirement.
Malinis ang pagkatao nito at hindi nabahiran ng isyu tungkol sa korapsiyon.
Kaya malakas ang suspetsa at hinagap nating may isang HUDAS na namamahay sa tanggapan ng butihing alkalde ng City of Pines.
Hudas na posibleng humila pababa sa malinis na panglan at pagkatao ng mabait na punong-lungsod.
Ang siste, ang HUDAS umanong ito ang nasa likod ng pagbubukas ng mga bahay-aliwan (night clubs) sa Baguio City.
Kahit pa nga nasa ilalim pa rin tayong lahat ng pandemya.
Ang mga night clubs na ito ay front lamang ng mga pasugalan ng isang pamosong gambling lord ng siyudad na may bansag na PATRICK.
Kung ang mga lehitimong negosyo sa Baguio ay dumaraan sa karayom na walang butas para makapagbukas lamang at makapag-operate, no sweat naman ang mga club owners at itong si PATRICK para muling buhayin ang kanyang iligal na pinagkakakitaan.
May mga puwesto pijo na sugalan po ito sa palengke, bus terminals at sa iba pang parte ng lungsod.
Kung ganitong napapalusutan ng Hudas na ito si Mayor Magalong, mababalewala lamang ang malinis na layunin ng alkalde na makapaglingkod sa mamamayan ng Baguio.
It is obvious na hinding-hindi papatulan ni Mayor Benjie ang barya-baryang intelihensiya manggagaling sa iligal na sugal.
Proven fact na po ‘yan sa hindi matatawarang “untainted” military and police service record ng dating heneral at ngayon nga’y alkalde ng Baguio City.
Isa pang isyu na nais nating talakayin ay ang tungkol sa security breach na para sa atin ay isang “gray area” sa mga personal bodyguards ni Mayor Magalong.
Tungkol ito sa nagviral na video sa isang birthday party na dinaluhan ng alkalde at ng misis nito that leads to the irrevocable resignation ni Magalong as the country’s Covid-19 Tracing C’zar.
Piece of advice lang po Mayor Benjie, baka it is high time na magsagawa po kayo ng “LOYALTY CHECK” sa mga taong nakapaligid sa inyo particularly sa personal security force n’yo na maaring na-penetrate na ng ilang may evil motives!
We dearly and sincerely care for YOU sir and this is our simple way of reminding you of the things you might had over-looked.
Mabuhay ka Mayor Benjie!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Sino ang hudas sa bakuran ni Mayor Benjie Magalong? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: