Facebook

Kasuhan ni Garma si Atong Ang

NABASA ko sa ilang pahayagan ang kritisismo ng general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa “online sabong”.

Ayon sa balita, nanawagan si Royina Garma na kumilos ang Philippine National Police (PNP) at iba pang tagapagpatupad ng batas laban sa online sabong.

Kumbinsido si Garma na “iligal” ang online sabong.

Pokaragat na ‘yan!

Simula’t simula ay iligal na ang sugal na ito dahil hindi naman ito rehistrado sa pamahalaan.

Pero, iba ang “mensahe”, o “kahulugan” ng panawagan ni Garma sa PNP at iba pa.

Tiyak ako na hindi mahina ang kokote ni Heneral Debold Sinas, ang pinuno ng PNP.

Kaya, alam ni Sinas ang mensahe at tunay na layunin ng pahayag ni Garma.

Matagal na ang online sabong.

Matagal nang namayagpag ang online sabong.

Ang napabalitang negosyanteng pasok dito ay si Atong Ang.

Kung kumbinsidung-kumbinsido si PCSO GM Garma na labag sa batas ang online sabong, ang hamon ko ay sampahan niya ng kaso si Atong Ang.

Kung umaapaw ang ebidensya ni Garma na matagal nang dinudugas ni Atong ang pamahalaan, kasama na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, sampahan niya ng kasong kriminal si Atong.

Higit na malaki ang maitutulong ni Garma sa pamahalaan kung siya ay kikilos laban sa iligal na sugal.

Maaari sigurong magsampa ng tax evasion, tax avoidance, paglabag sa Anti – Money Launering Act (AMLA) at iba pa si Garma laban kay Atong Ang.

Palagay ko susuportahan ni Duterte si Garma laban kay Atong Ang dahil ‘napakalakas’ ng hepe ng PCSO sa pangulo.

Maliban na lang kung totoong ‘napakalakas’ din ni Atong sa administrasyon.

Balitang-balita kasi na napakalakas nitong si Atong sa administrasyong Duterte.

Ang malinaw na ebidensya ay namayagpag at kumalat ang online sabong ni Atong sa napakaraming lalawigan, lungsod at bayan kahit mahigpit ang pagkilos ng mga Filipino mula nang manalasa ang COVID – 19 sa bansa.

Kung tutuluyan ni Garma si Atong Ang ay mapapatunayan natin kung ang mga batas ng ating bansa laban sa ‘di pagbabayad ng tamang buwis, o hindi talaga pagbabayad ng buwis, ng mga negosyente at ang pinalakas umanong AMLA, ay totoong magpapakulong sa mga negosyanteng iligal ang negosyo tulad ng online sabong, jueteng at iba pa.

Ngayon, malaman natin sa susunod na mga araw, buwan at taon kung kikilos si Royina Garma laban kay Atong Ang.

The post Kasuhan ni Garma si Atong Ang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kasuhan ni Garma si Atong Ang Kasuhan ni Garma si Atong Ang Reviewed by misfitgympal on Pebrero 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.