NAGLAKAS-LOOB ang isang 18-anyos na dalaga na kasuhan ng rape ang kanyang amain nang makulong ito sa ibang kaso sa Paombong, Bulacan noong Huwebes, Pebrero 4.
Kinilala ang suspek na si Eduardo Coronel, habang itinago sa pangalang “Leslie” ang dalagang biktima na kapwa residente ng Barangay Pinalagdan.
Sa report, pinasok ni Coronel ang kuwarto ng anak-anakan at ginahasa.
Sa salaysay ng biktima, pinagbantaan siyang papatayin at ang kanyang ina kapag ito’y nagsumbong sa mga awtoridad.
Lumakas lamang ang loob ng biktima na magsumbong sa mga awtoridad nang maaresto ang amain nitong Biyernes sa kasong ‘Threat, Alarm and Scandal’ at ‘Illegal Possession of Firearms’.
Nakapiit si Coronel sa Paombong Police station. (James de Jesus)
The post Stepdaughter ni-rape ng presong amain appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: