SINIBAK na sa puwesto ang Police Community Precinct (PCP) commander na nakakasakop sa lugar ng hinoldap na jewelry shop nitong Martes sa Sta. Cruz, Manila.
Ayon sa hepe ng Manila Police District (MPD) Station 11na si LtCol. Rollyer Capoquian, agad inalis sa kanyang puwesto si Major Victor de Leon habang iniimbestigahan ang panghoholdap sa Dulo’s Jewelry shop.
Hinahanting narin ang mga suspek na nakita sa CCTV, kungsaan nagsilbing look out ang dalawa habang ang isa ang nanutok ng baril sa may-ari ng jewelry shop na si Dulo Cai, isang Filipino-Chinese.
Sa report, Martes ng umaga nangyari ang panghoholdap. Itinaon ng mga holdaper na walang tao at walang bantay sa lugar.
Tinatayang mahigit isang milyon na cash at alahas ang natangay ng mga holdaper. (Jocelyn Domenden)
The post PCP commander sibak sa naholdap na jewelry shop sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: