SUPORTADO ni House Speaker Lord Allan Velasco ang panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ilagay na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula sa Marso. Ayon kay Velasco, dapat nang simulan muli ang pagbangon ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta o pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga negosyo sa bansa na mayroong tiyak na pagsunod sa mga health protocols na itinakda ng gobyerno. Ani Velasco, sa tingin niya ay oras na para luwagan ang pandemic restrictions ng bansa nang mayroon pa ring pag-iingat upang maibsan na ang matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya ng Pilipinas. Dagdag pa ni Velasco, dahil paparating na rin ang bakuna sa bansa, mabuting hikayatin ang publiko na tumulong na ibalik muli sigla sa ekonomiya ng bansa.
METRO MANILA MAYORS AT
GOVERNORS ‘OK’ SA MGCQ
Samantala PABOR din ang siyam sa labing pitong Metro mayors na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa. Sinabi ni Mayor Toby Tiangco, siyam sa mga Metro Manila mayors ang sumang-ayon para sa MGCQ, habang walo naman ang bumoto na isailalim muna ito sa GCQ. Nakatakdang isumite ang resulta ng naturang botohan sa Inter-Agency Task Force na maglalatag naman ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Samantala, sang-ayon ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa mungkahing pagsasailalim na sa buong bansa sa modified general community quarantine (MGCQ) sa buwan ng Marso. Ayon kay LPP president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., handa naman daw ang lahat ng mga lalawigan para sa MGCQ lalo pa’t nakikita nila ang kagustuhan ng pamahalaan na pagalawin ang ekonomiya. Subalit sinabi ni Velasco, ang kondisyon lamang ay manatili dapat sa local government units ang lockdown power upang agad na makontrol ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Mungkahi pa ng gobernador, dapat buksan na ang iba pang mga negosyo, partikular na sa sektor ng transportasyon at mga provincial buses na mapayagan nang muling bumiyahe. Matatandaang iminungkahi ng National Economic Development Authority na isailalim na ang buong bansa sa MGCQ sa Marso upang mabalanse ang pagtugon ng gobyerno sa health crisis at ang pangangailangan ng mga mamamayan na kumita at gumastos. Pero inilahad ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team, posibleng maging dehado ang pamahalaan kung ilalagay nila ang buong Pilipinas sa pinakamaluwag na community quarantine.
Samantala, matapos magkasundo ang Metro Manila Mayors at Governors na isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas; Sa Lunes, Pebrero 22 posibleng ianunsyo na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay spokesperson Harry Roque
Subaybayan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Velasco, suportado ang panukala ng NEDA na i-MGCQ ang buong Pilipinas sa Marso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: