Facebook

‘WAG PO’ – ISKO

‘WAG po’.

Ito ang pakiusap ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente ng Maynila na nagpapabaya sa kanilang proteksyon kontra COVID-19, kasabay na ulat niya na tumaas ang bilang ng numero ng mga tinatamaan ng impeksyon kung ihahambing sa mga nakaraang buwan.

Sa kanyang weekly live broadcast, sinabi ni Moreno na mula pa noong February 26, ang Maynila ay nagkaroon ng 61 na bagong kaso at ang total na active COVID-19 cases ay pumalo sa 437.

“Makikita nyo na me me konting paglago ng impeksyon. Baka lang… ako ay nagpapaaala na baka masyado tayong natutuwa na napapababa natin ang impeksyon at napapabayaan na natin ang distancing at pagsusuot ng mask. ‘Wag po mga kababayan,” giit ni Moreno.

Sa ulat pa ng alkalde ay nabatid na sa bilang na nakuha ng pamahalaang lungsod, 60 percent ng total positive cases ay mga asymptomatic o di nagpapakita ng sintomas tulad ng ubo at lagnat.

Ayon pa kay Moreno, ang 60 percent ay napakataas sa regular na 23 hanggang 25 porsyento na narehistro na asymptomatic cases nitong mga nakalipas. May 804 na rin na naiulat na namatay

“Baka kayo ay nagre-relax na. ‘Wag po. Let us continue to wear facemasks and observe social distancing…Patuloy na lumalaki ang cases sa Metro Manila.

Baka nakakaligtaan nating meron pa ring COVID-19 na kumakalat sa ating komunidad,” dagdag ni Moreno.

Nanawagan din si Moreno sa mga taga-Maynila na habaan ang pasensya dahil paparating na ang bakuna at ginagawa nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ang lahat ng posibleng paraan para masimulan na sa maagang panahon ang pagbabakuna.

Simula pa noong February 26, ayon kay Moreno, ay 85 lamang sa kabuuang 305 total COVID bed capacity sa anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod ang naookupahan.

Sa kabila na 28 percent lamang ang occupancy rate ng kabuuang bed capacity, binigyang diin ng alkalde na kailangan pa ring maging maingat upang hindi dapuan ng coronavirus.

Samantala ay may total na 165 katao ang nagpositibo mula sa 1,375 na na- swabbed sa kanilang bahay sa pamamagitan ng mobile clinic ng pamahalaang lungsod na umiikot sa mga lugar na iniulat ng kanilang barangay na may kaso ng COVID.

Hangarin ni Moreno na mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga taga-Maynila tungkol sa sitwasyon ng COVID sa lungsod dahil aniya hindi naman sa Maynila at Metro Manila lamang tumataas ang kaso ng COVID kundi sa buong bansa. (ANDI GARCIA)

The post ‘WAG PO’ – ISKO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘WAG PO’ – ISKO ‘WAG PO’ – ISKO Reviewed by misfitgympal on Pebrero 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.