TUNAY na ‘basketball is life’ para sa pamilyang Alao ng Antipolo City .
Isang napakagandang balita para sa amang tulad ni dating commercial cage standout Ray Alao ang napipintong pagbabalik ng face- to – face learning sa mga paaralan sa unti-unting pagluwag ng mga panuntunan ng kinauukulan kaugnay ng krisis pandemya na nagpatengga sa lahat ng aspeto ng buhay kabilang na ang edukasyon at sports.
Si Alao ay proud father nina upcoming basketball stars Mur Prince at Airness na varsity players na sa prestihiyosong collegiate leagues na NCAA.
“ Optimistiko tayo na matatapos din ang mahabang lull sa larangan ng sports partikular sa basketball . Sa malapit nang pagdating ng vaccine sa bansa na panapat sa covid-19 , tiyak na luluwagan na ng IATF JAO ang panuntunan sa mga paaralan. Kaya isang welcome development ang pagbalik ng face -to -face classes sa madaling hinaharap. Of course magkakaroon na rin ng activities sa school sports, “ wika ng patriarkong si Ray Alao.
Gayunpaman ay di naman tumigil sa ensayo at pagpapakundisyon ang mag- utol na varsitarian sa kanilang backyard training at workouts.
Si Mur Prince ay frontliner ng San Beda University Red Cubs ( juniors team) habang si Airness ay umangat na sa team A ng seniors basketball team ng Jose Rizal University Heavy Bombers sa NCAA.
Nagpaabot ng pasasalamat ang kasalukuyang deputy team manager ng Davao Occidental Cocolife Tigers sa MPBL na si Ray at maybahay na si Mariel sa suporta ni San Beda basketball operation head Ato Badolato at coach Manu Inigo kay Prince at kina JRU boss Paul Supan at coach Luis Gonzales sa gabay kay Airness.
The post WISH NG ALAO BASKETBALL CLAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: