Facebook

1 million biniling bakuna darating bago ang katapusan ng Marso — Bong Go

INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go na inaasahang darating sa bansa ang 1 million CoronaVac vaccine na binli ng gobyerno sa Sinovac sa Lunes, Marso 29.

“Hopefully, the first procurement of the Philippine government will arrive on the 29th of March and I heard it will be received by the President,” ani Go sa turnover ceremony ng second batch ng 400,000 CoronaVac vaccines na donasyon ng Chinese government na isinagawa sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., ang 1 million doses na binili ng pamahalaan ay darating na mula sa China.

Nauna nang tiniyak ni Go na “no delay” sa vaccine rollout dahil marami pang delivery ng bakuna mula sa iba’t ibang sources na darating sa kalagitnaan ng taon.

“We are simply complying with the necessary processes, aligned with the agreed schedule, as negotiated with our international partners,” sabi ni Go.

Aniya, ang pagdating ng second batch ng Sinovac vaccines na donasyon ng China ay panibagong major milestone sa national vaccination program ng gobyerno.

“This is another major milestone for us, especially since the supply of vaccine is very limited and we have to inoculate 1.7 million frontliners and we have to meet our target for this year in order to attain herd immunity,” sabi ng senador.

Idiniin niya na ang mga health workers ang kinakailangang unahin sa pagbabakuna para maprotektahan sila sa virus habang ginagawa ang kanilang trabaho na maisalba ang kalusugan ng mga Filipino.

“Importante ‘yung mga health workers natin. Madami po akong nababalitaan na mayroong mga nauuna. Dapat muna nating protektahan ang ating mga health workers. We should arm them since sila po ang sinasabak natin dito sa giyerang ito, dapat armasan po natin ang ating mga health workers (sa pamamagitan ng bakuna),” sabini Go.

“Alam niyo mahirap magkasakit, hindi basta-basta ‘yung trabaho ng mga health workers natin. Ika nga sa giyera, sa military, isinabak natin sila sa giyera. Dapat armasan natin sila nang husto at ito po ‘yung bakuna. So sila ang dapat po mauna,” dagdag ng mambabatas.

Iginiit naman niya sa publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad at manatiling nakabantay laban sa COVID-19.

“So huwag tayong maging kumpiyansa. Sa mga kapwa ko Pilipino, nakikiusap kami ni Pangulong Duterte sa inyo — disiplina po ang kailangan dito.”

“Pangalawa, huwag ho kayong matakot sa bakuna, matakot po kayo sa COVID-19. Ang tanging solusyon, ang tanging susi natin dito ay ang bakuna po para makabalik tayo sa normal nating pamumuhay,” pahabol ng senador. (PFT Team)

The post 1 million biniling bakuna darating bago ang katapusan ng Marso — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 million biniling bakuna darating bago ang katapusan ng Marso — Bong Go 1 million biniling bakuna darating bago ang katapusan ng Marso — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.