Facebook

Apela ni Bong Go, karagdagang SAP ibigay sa mahihirap

UMAPELA si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go kina Pangulong Rodrigo Duterte, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget Secretary Wendel Avisado, at iba pang concerned national government agencies na bigyan ng karagdagang ayuda ang mahihirap na Filipino sa pamamagitan ng expanded Social Amelioration Program.

Ginawa ni Go ang apela kasunod ng re-imposition ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa muling paglobo ng bilang ng kaso ng COVID-19.

“Let us work together to find the funds needed to further help our people, especially those whose lives and livelihoods are adversely affected by tighter restrictions which we imposed to stop the spread of COVID-19,” ang apela ni Go.

Iginiit ni Go na dapat ihanda ng concerned agencies ang baseline data para madetermina ang mga kinakailangang resources upang maibigay ng gobyerno ang karagdagang ayuda sa mga naghihirap na Filipino.

“I am also urging the Department of Social Welfare and Development to determine how many of our kababayans nationwide should receive additional social amelioration, so we can have a clearer picture how much resources are needed to implement this program,” ani Go.

“Pagtulungan na po natin para maibigay ang dagdag na tulong base sa pondo na mayroon tayo. Dahil kinailangang higpitan ulit ang patakaran, nakulong na naman ang iilan nating mamamayan, bigyan natin sila ng kailangang ayuda,” dagdag niya.

Sinabi ni Go na dapat alalayan ng concerned government agencies ang lahat ng mahihirap na Filipino na malagpasan ang hirap na dulot ng muling pagtaas ng COVID-19 cases at tiyaking makararating ito sa mga tunay na nangangailangan.

“Hanapan natin ng paraan na mabigyan ng dagdag na ayuda ang lahat ng ating mga kababayang nangangailangan. Marami pong naghihirap ngayon. Karamihan ay nawalan ng trabaho o hirap ang kabuhayan at may mga pamilyang binubuhay kaya gawin natin ang lahat ng ating makakaya para pagaanin ang pasakit na dinadala nila,” ayon sa senador.

“Especially during these extremely challenging times, the government must do everything it can to ease the burden of our people,” aniya pa.

Ayon kay Sen. Go, dapat siguruhin na walang makakaligtaan sa pamamahagi ng SAP dahil sobrang hirap talaga ang ating mga kababayan at huwag ding limitahan sa 18 million low-income families na unang na-identify ng DSWD ang pamimigay ng tulong.

“Naranasan na po natin ito noong nakaraang taon. Ayusin na natin agad kapag may mga nakikitang problema sa listahan ng mga benepisyaryo. Siguraduhin natin na magamit ang pondo nang tama, walang masayang, at maramdaman ng mga tao kahit sa malalayong lugar ang tulong mula sa gobyerno,” anang mambabatas.

Matatandaan na upang mapigil ang paglobo na naman ng COVID-19 cases, naglabas ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng Resolution No. 104 na nagbabawal sa mga non-essential travel papasok at palabas ng National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal simula March 22 hanggang April 4, 2021. (PFT Team)

The post Apela ni Bong Go, karagdagang SAP ibigay sa mahihirap appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Apela ni Bong Go, karagdagang SAP ibigay sa mahihirap Apela ni Bong Go, karagdagang SAP ibigay sa mahihirap Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.