NAIS paimbestigahan sa kamara ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang concession agreement ng pamahalaan sa Maynilad at Manila water.
Sa inihain nitong house resolution no. 1664, pinaiimbestigahan ni Herrera sa Committee on Government Enterprises and Privatization at Committee on Good Government and Public Accountability ang naturang ongoing negotiations.
Paliwanag ni Herrera, karapatan ng publikong malaman kung mayroong mga pagbabago na ginawa sa amended concession agreements sa dalawang water concessionaires.
Matatandaan noong 2019 ang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department Of Justice (DOJ) ang pagrereview sa concession agreements dahil sa probisyon nitong umano’y disadvantageous sa pamahalaan at sa publiko.
Noong Nobyembre 2020 naman nang aprubahan ni Pangulong Duterte ang ibinigay na rekomendasyon ng DOJ sa terms and conditions sa dalawang Maynilad at Manila Water
***
Tunghayan natin ang samut-saring reklamo via text messages
Sir Ronald Bula isama mo sa topic mo Ang pinaiiral Ngayon sa Checkpoint. Minimum Standard Health Protocol bakit ang pinapara ng Mga Pulis at mga alalay nila ay yung mga nakamotor tapos hinahanapan ng lisensiya at OR CR ng motor. Tapos yung mga alalay ang nagtatanong sa mga hinuli kung anong mainam gawin siyempre ano pa eh di areglo. Nasaan ang Logic dito.
Dito sa pagbaba ng tulay ng Sta. Rita kung galing ka ng Plaridel. Ang nakakasakop na PNP dito ay Guiguinto. Yung alalay ng mga pulis ay Grupo ng ACCERT na NGO at yung karamihan dito ay Guardian +6392770677++
***
Balyador may info Po akong bigay sa inyo sa San Pedro Laguna talamak ang holdapan sa 7-11 at nakawan. At may checkpoint sa boundary na naka display Lang Po mga pulis ang totoo hndi nman tlga nag che-checkpoint.. kinukurakot din Po Ni hepe ang Pondo ng Intel. Nananaba na Po Ang buwayang hepe na linta. Pwde nyo Po ba blind item? Isang hepe na tunog linta na mukhang buwaya sa kasibaan..+6391961106++
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Concession agreement ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water pinabubusisi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: