Facebook

Buwagin ang iligal na minahan sa Camarines Norte

WALANG ibang dapat gawin, kundi ipabuwag ng Department of Environment and Natural

Resources (DENR) ang iligal na minahan sa Camarines Norte, sapagkat malaki ang pakinabang ng mga minahan sa lalawigang ito sa pangkat ng New People’s Army (NPA).

Alam ba ninyo ang isiniwalat ni Major General Albert Ignatius Ferro na ang tropa ng NPA na nakasagupa ng mga pulis sa munisipalidad ng Labo, Camarines Norte nitong Marso 19 ay gumamit ng improvised explosive device (IED).

Umabot sa kabuuang 75 IED ang ginamit, maliban sa matataas na kalibre ng mga baril.

Sa nasabing pakikipagbarilan ng mga pulis sa mga gerilya ng NPA ay limang pulis ang natodas at dalawa pa ang sugatan.

Pokaragat na ‘yan!

Idiniin ni Ferro na ang materyales na mga ginamit sa IED ay galing sa mga minahan.

Iligal umano ang minahan, ratsada ni Ferro.

Pokaragat na ‘yan!

Naniniwala ako kay Major General Ferro dahil siya ang kasalukuyang pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).

Hindi ko kailangang makilala nang personal si Ferro upang maniwala sa ibinunyag niyang impormasyon.

Kaya, sana ituloy at ipaglaban ni Major General Ferro ang kanyang posisyon laban sa iligal na mga minahan sa pamuuan ng PNP upang pormal na hilingin sa DENR ang pagbuwag sa nasabing iligal na negosyo sa Camarines Norte.

Kapag iminungkahi ni Ferro sa kasalukuyang pinuno ng PNP, naniniwala akong pakikinggan at susuportahan ni Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar ang una, sapagkat maging si Eleazar ay napakatindi ng pagkadismaya sa pagkamatay ng limang pulis at pagkasugat ng dalawa pa nang makaengkuwentro ang mga miyembro ng NPA.

Palagay ko, pangungunahan pa ni Eleazar ang paghiling sa DENR na patigilin ang operasyon ng iligal na minahan sa Camarines Norte.

Kahit ang pinuno ng DENR na si Secretary Roy Cimatu ay makikinig at aaksyon laban sa minahan kung matunayang iligal ang operasyon nito at nauugnayan ng NPA laban sa pamaalaan, sapagkat si Cimatu ay retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sabi ni Eleazar, maling – mali ang NPA dahil ang mga pulis ay itinalaga sa lugar kung saan ginagawa ang kalsadang mag-uugnay sa mga lalawigan ng Camarines Norte at Quezon – na walang dudang napakalaking tulong sa mga negosyante at residente ng dalawang lalawigan.

Ang layunin ng pagbabantay ng mga pulis ay upang bigyan nila ng proteksiyon ang mga gumagawa ng kalsada laban sa mga NPA.

Ito raw kasing tropa ng NPA ay nagbantang babalikan sila kapag hindi nagbigay ng tatlong porsiyento mula sa kabuuang halaga ng nabanggit na kalsada.

Pokaragat na ‘yan!

Hindi ba’t pangingikil ang tawag sa panghihingi ng NPA?

Nang pumasok sa eksena ang mga pulis upang gampanan ang kanilang trabaho, tungkulin at obligasyon ay pinagpapatay ang mga ito.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, wasto at nararapat lamang na buwagin na ang iligal na minahan sa Camarines Norte.

The post Buwagin ang iligal na minahan sa Camarines Norte appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Buwagin ang iligal na minahan sa Camarines Norte Buwagin ang iligal na minahan sa Camarines Norte Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.