Facebook

Bilibid Part 2

SA unang bahagi ng acting expose’, inilabas mating ang Tula pagluluwag sa loob ng New BILIBID Prisons dyan sa Muntinlupa panabay ang pagtotoka ng malaking halaga ng salapi sa bawat brigades SA loob ng ilang korap at tiwaling BUCOR officials.

May datos po tayo patungkol pagpapasok ng celfon na kailangang bayaran ng inmate.

Ang key pad type ay 2,500 hanggang 3500 samantalang ang nga android phones naman ay umaabot mula 8K hanggang sampung libong piso.

Sa mga cellular phones palang po ‘yan at hindi pa kasali dyan yung mga laptop, ipad, computer desktop at iba pang gadgets.

Magkano naman kaya ang vitae para sa mga appliances at air-conditioning units ng MGA VIPs?

Yung pag-smuggled ng alak iba pang intoxicating drinks gaya ng beer,magkano naman kaya Director Vantage sir?

Ang pagpasok ng iligal na droga na talagang di mapigilan ng MGA prison guards.

Eh yung mga celebrity pokpok pa na tintawag na umaabot sa daang libong piso ang idini-demand na talent fee.

Lahat po n’yan ay nakakapangyari na sa ngayon.Sa mga kaganapang Ito sa ilalim ng liderato ni Bantag, nakakapangyari ang sitwasyon sa loob ng nasabing penitentiary.

Pati na ang mga bilanggong nakapagsilbi na ng mahabang panahon ng kanilang sentensiya ay nananatiling nakakulong pa rin dahil sa walang pera na ipampadulas sa MGA korap na opisyal ng BUCOR.

Kaawa-awa ang mga ito na walang salapi na ipang-aayos sa proseso ng kanilang pagpalaya.

Samut sari pang anomalya at katarantaduhan ang umiiral sa loob ng piitan na ating kakalkalin.

For the meantime,sinisikap nating alamin ang panig ni Bantag laban sa mga akusasyong ito laban sa kanya.

Aalamin din natin Kung hanggang saan level ng liderato sa loob ng NBP ang nagtatampisaw sa kultura ng korapsiyon at pangongotong.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Bilibid Part 2 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bilibid Part 2 Bilibid Part 2 Reviewed by misfitgympal on Marso 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.