Labindalawang barangay, isang kalye at gusali ang isasailalim sa apat na araw na lockdown sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Maynila
Ngayong Biyernes, nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng isang Executove Order No. 08 na nagdedeklara sa mga lugar bilang “critical zones” para sa agarang pagtugon upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Kabilang ang mga barangay sa ila-lockdown ang Barangay 107, 147, 256, 262,297, 350, 385, 513, 519, 624, 696 at 831.
Kasama rin ang Brgy.353 partikular sa Kusang Loob , Sta. Cruz na itinuring na clustering lockdown at ang Brgy. 658 partikular sa NYK Fil-Ship Management Building.
Inirekomenda ng Manila Health Deoartment (MHD) ang nasabing lugar bilang “critical zones” para sa survellaince at massive contact tracing activities.
Sinabi ni Domagoso na ang mga residente sa nasabing mga barangay ay istriktong pagbabawalang lumabas ng bahay.
Hindi kasama sa pagbabawalan ang mga frontliners at iba pang accredited ng Presidential Communications Operations Office at IATF.
Inatasan naman ang mga station commanders sa nakakasakop sa mga barangays na mag-deploy ng kanilang mga tauhan na magbabantay sa galaw ng mga tao.
Sa datos, umabot sa 2,155 ang aktibong kaso na naitala ng MHD ngayong Marso 19 .
May kabuuang 29,585 recoveries at 847 deaths.(Jocelyn Domenden)
The post 12 Brgy. 1 kalye at 1 gusali sa Maynila, lockdown appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: