Facebook

‘Takbong presidente si Pacquiao’

ITO ang ibinunyag ni Senador “Ping” Lacson sa social media.

Maraming beses daw lumapit sa kanya si Senador Manny Pacquiao at nagsabi ng kanyang mga plano sa 2022 elections.

Noon paman ay inanunsyo ng kanyang boxing promoter na si Bob Arum na gusto ni Pacquiao maging presidente ng Pilipinas.

Malawak narin ang karanasan ni Pacquiao, 43 anyos sa Disyembre 17, sa politika. Una siyang nahalal bilang kongresista ng Saranggani province noong 2010, at nahalal na senador noong 2016.

Reelectionist si Pacquiao sa 2022. Pero mukhang sasabak na nga siya sa pinakamataas na posisyon sa politika, ang pamunuan ang 110 milyong Pinoy.

Sa kasalukuyan, si Pacquiao ang presidente ng ruling party PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rody Duterte.

From rugs to riches si Pacquiao. Hindi siya nakatapos ng high school dahil sa kahirapan ng pamilya. Nakipagsapalaran siya sa Metro Manila bilang panadero sa Navotas, at sumabak sa boksing sa murang edad. Nagsimula siyang Jr. flyweight 6-rounder sa edad 17 hanggang sa madiskubre ng mahusay na coach na si Freddie Roach na naghasa sa kanyang husay at naghari sa iba’t ibang weight divisions, mula Jr. flyweight to welterweight, tanging boksinge-ro sa buong mundo na nagkampeon sa walong divisions at kumamal ng bilyones sa kanyang propisyon.

Ang kasikatan niyang ito sa sports ang naging armas ni Pacquiao para magaang manalo sa pagpasok sa politika.

Pero gustuhin kaya siya ng nakararaming Pinoy na ma-ging presidente lalo’t nahaharap sa napakalaking problema ang Pilipinas?

Ang Pilipinas ngayon ay lugmok ang ekonomiya, baon sa higit P10 trilyong utang, mahigit 4 milyon jobless, maraming kompanya ang nagsara dahil sa pandemya sa Covid-19, problema sa West Philippine Sea, talamak na korapsyon, droga at smuggling. Kaya bang ayusin ito ni Pacquiao?

Ang problemang ito ay hindi boxing na maari mong pag-handaang mabuti ang mga galaw ng isang kalaban para manalo sa ibabaw ng ruwedang parisukat.

Kung ang isang astig na Pangulong Rody Duterte na abogado, may malawak na karanasan sa pagiging alagad ng hustisya, at alkalde ng malaking lungsod sa Minda-nao, ay bigo sa kanyang mga plano sa Pilipinas, ang isang Pacquiao pa kaya na kapos sa edukasyon, karanasan sa pamumuno, at walang ideya sa pagpatakbo ng ekonomiya at pakikipag-usap sa mga lider sa mundo?

Bilib ako kay Pacquiao. Bilib ako sa husay niya sa boksing. Walang makakapantay sa kanyang rekord na 8-weight division world champion. Pero pagdating sa pagpapatakbo ng bansa, hindi ako kumbinsido na maibabangon niya ang Pilipinas na pinadapa ng pandemya. Mismo!

Kumbinsido ako sa sinabi ni retired Senior Justice Antonio Carpio, isa sa convenors ng 1Sambayan na binubuo ng mga eksperto sa batas, ekonomista, scholars at labor groups na nagkaisang sila ang bubuo ng tiket para sa national candidates sa 2022 para maibangon ang Pilipinas sa pagkakalugmok, na si Pacquiao at maging ang anak ni Pangulong Duterte na si Mayor/Atty. Sara ay ‘di pasado sa kanilang criteria para sunod na lider ng bansa. Ang pinagpipilian anila ay sina VP Leni Robredo, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe, ex-Sen. Antonio Trillanes at Manila Mayor Isko Moreno. Bukas pa raw sila sa rekomendasyon.

Anyway, kayo? ok ba sa inyo maging pangulo si Pacquiao?

The post ‘Takbong presidente si Pacquiao’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Takbong presidente si Pacquiao’ ‘Takbong presidente si Pacquiao’ Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.