SAMPUNG indibidwal ang nasa kritikal na kondisyon matapos araruhin ng isang kotse sa may Finance Road corner Taft Avenue, Maynila nitong Miyerkules ng hapon.
Kaagad namang nadakip ang driver ng nakasagasang kotseng itim na Honda Jazz (THI-328) na nakilalang si Anthony Martin Santos ng Hagonoy, Bulacan.
Sa ulat, 1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue hanggang Finance Road na umabot sa 15 sasakyan at motorsiklo ang nadamay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement and Traffic Bureau, binalewala ng driver ng kotse ang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau habang pinahihinto dahil sa paglabag sa traffic lights.
Napag-alaman na pinaharurot ni Santos ang kanyang kotse kahit naka-red signal ang traffic lights.
Sa kagustohang makatakas, inaararo nito ang ilan pang sasakyan kabilang ang mga motorsiklo.
Umabot ang habulan sa kanto ng Ayala Boulevard kungsaan siya naaresto ng mga awtoridad.
Sa naunang impormasyon, mayroon narin nasagi si Santos sa bahagi ng Pedro Gil na kanya rin tinakasan hanggang sa makarating sa kahabaan ng Taft Avenue kanto ng Finance Road kungsaan niya naman inararo ang mga sasakyan at mga motorsiklo.
Ayon sa Traffic Bureau, iniradyo na lamang sa kanila ang insidente nang may masagi nang tao sa UN at Kalaw ang natu-rang kotse.
Nagpasaklolo ang tropa ng traffic sa Bureau of Fire volunteer upang habulin ang kotse ngunit nagtanggka parin itong tumakas dahilan para maararo pa ang ibang sasakyan hanggang sa masukol na sa bandang Ayala Boulevard.
Habang isinusulat ang balitang ito inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na isinugod sa mga ospital.
Mahaharap si Santos sa patong-patong na kaso. (Jocelyn Domenden)
The post 15 SASAKYAN INARARO NG KOTSE SA MAYNILA: 10 GRABE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: